Chapter Eight

1.5K 33 1
                                    

"STIFF NECK," ani ni Mitch na nakapagpalingon sa kanya rito.

Nasa bahay siya ng mga ito para mag-aral at nagagawa niya iyon dahil wala ang kanyang ama. May nakuha itong memo na kailangan itong ipadala sa kung saan para ipagtanggol nanaman ang Pilipinas. Masaya siya dahil makakalabas nanaman sila pero naroroon pa rin ang kaba niya. Ngunit sa edad niyang iyon, mas lumalamang ang saya dahil makakalabas siya ng bahay nila.

"Stiff neck?"

"Kasi ang alam ko nandito tayo para mag-aral hindi para magkaroon ng stiff neck."

"A-anong p-pinagsasasabi mo d-diyan? Mag-aral ka na nga lang." but she knew better. Buko na siya ng kaibigan niya pero pahuhuli ba siya kahit huli na siya?

Neber!

"K-kasi h-huli n-na k-kita." Panggagaya nito sa kanya. "Tse! Alam ko kung sinong hinahanap mo. At para sabihin ko sayo mukhang swerte ka talaga ngayon, friend."

Mabilis siyang napalingon rito. Tama ba ang narinig niya. Swerte siya? Nakita niyang tumataginting na ngiti ang binigay ni Mitch sa kanya. Pero sinupil niya ang ngiting nais umalpas sa kanyang labi, baka kasi niloloko lamang siya nito.

"Hinahanap ka diyan at anong sinuswerte? Isyu ka, Mitch, ha."

Naitirik naman ng kaibigan ang paningin bago eksaheradong huminga. "Andyan sa taas si kuya, natutulog."

"Talaga?!" napatayong saad niya. Sunod na lang niyang narinig ang halakhak ng kaibigan. Ngali-ngaling batukan niya ito. Tama siya, niloloko nga lang siya ng kabigan para hulihin. At talaga namang nagpahuli siya.

"Tama na ang tawa. Wala namang nakakatawa," nakanguso niyang saad.

Bahagya pang nagpunas ng mata si Mitch sa sobrang kakatawa. "No joke, friend. Andyan talaga si kuya sa taas. Pero natawa lang talaga ako sa reaksyon mo. Pa-wala-wala ka pa diyan at pa-ano-ano pa, ang ending..." hindi na nito tinuloy ang sinabi sa halip ay tumawa na lang nanaman.

Napanguso na lang siyang naupo muli. Huli na nga siya lalo pa niyang binuko ang sarili niya. May pa-never-never pa siya, ang ending siya rin ang nagbuko sa sarili niya.

Pero kahit na nalaman na ng kaibigan na hinahanap at obviously ay nababaliw siya sa kapatid nito ay hindi man lamang ito tumutol. Mukhang masaya pa nga ito.

"Friend," untag niya sa kaibigan. "anong gagawin mo kung...mag-"

"Magkagusto ka kay kuya?" putol nito sa sasabihin niya. "Wala."

"Wala?"

Tumango lang ito at ngumisi. "Ibebenta ko pa siya sa'yo."

Napangiti na rin lang siya at sabay silang napahalakhak. No wonder kaibigan niya ito. Parehas sila ng span ng pag-iisip.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon