Chapter Eighteen

1.2K 37 1
                                    

NAIHILAMOS ni Shenald ang kamy niya sa mukha. He's a doctor why did he have to be so careless. May nararamdaman na pala ang mommy niya hindi pa niya napansin. Nagkakasiyahan pa sila kanina. Masaya pa siya dahil matitikman na niya uli ang luto ni Chloe pagkatapos ay aatakihin ang mommy niya. Maybe he was too busy with Chloe kaya hindi niya napansin Okay naman ang mommy kasi niya nintong mga nakaraang araw. Wala naman nakapagpasama ng loob nito. Kaya bakit ito aatakihin?

"Dr. Garcines," tawag pansin sa kanya ni Dr. Acebedo. Kasamahan niya ito sa ospital na iyon. "your mother is in a stable state now and she wants to talk to you."

"Ano bang nangyari sa kanya?" hilam ang luhang saad ng kapatid.

"She had a mild heart attack. Buti na lang at mild lang ito. Don't think kung bakit siya inatake. Alam n'yong traidor talaga ang sakit sa puso. Kahit na wala ka namang dinadamdam ay bigla na lang aatake. So, maiwan ko na kayo. 'Wag na kayong mag-alala. Okay na siya." tumango siya rito at humingi ng pasasalamat bago pumasok sa loob ng silid ng ina.

"Mom?" bungad niya. Nakangiting nakalahad ang mga braso ng kanyang ina ng pumasok siya. "Okay ka na ba? Bakit hindi mo sinabing may nararamdaman ka na?"

"Kagabi pa nga masakit ang dibdib ko. Hindi ko na pinansin baka tulad lang ito noong nakaraang araw. Hindi ko naman alam na aatakihin na pala ako." Nakangiti pang saad nito. "'Wag ka nang mag-alala. Ayos na uli ako."

"Mukha nga." Nakangiti na rin niyang saad rito.

"Hijo..."

"Yes, mom?" sagot niya at naupo sa tabi nito.

"Gusto ko ng magka-apo." May lambong ang mga mata nito at parang alam na niya kung ano ang nais nitong sabihin.

"Mom, don't think that way. Mata—"

"You can't tell, hijo. Kahit ikaw pa ang pinakamagaling na doctor para sa akin." Hinaplos nito ang mukha niya. "Hindi natin alam kung kailan, hijo, at ayoko ng antayin pa ang panahon na naghihingalo na ako sa hospital bed bago ka maghanap ng mapapang-asawa mo. Mamaya niyan ay kumuha ka na lamang ng kung sino at anakan. Ayoko ng ganoon."

"Nasobrahan na kayo sa telenovela at pagbabasa ng pocketbooks," kakamot-kamot niyang saad rito.

"'Wag mo ngang pakialaman ang pampalipas oras ko. Intindihin mo ang sinasabi ko sayo. Mag-asawa ka na at dalian nyo sa pagkakaroon ng apo. Naiinip na kami ng daddy nyo." Tinapik pa nito ang pisngi niya. "Siguraduhin mong mabait at mabuti siyang tao, Shenald Nazarine kundi malilintikan ka sa akin. At tawagin mo na nga 'yang ama mo. Asan na ba 'yon?"

"Yes, mom," nakangiti niyang saad. He had one certain girl on his mind. Kahit pa hindi na nangyari sa ina niya ang nangyari ngayon ay alam niyang konting panahon na lang ang aantayin niya. Pero nangyari na nga ito sa kanyang ina, mukhang hindi na niya maantay ang daddy ni Chloe.

He have to make his moves!

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon