"CHLOE, we need to talk." Napailing na lang si Shenald sa sinabi. Mukha siyang masungit na principal na nais kausapin ang isang estudyante sa kanya tono. Pero anong magagawa niya, he never tried talking to Chloe first lalo na pagmay tampo o galit ito. Inaantay kasi niyang humupa ang galit nito at ito mismo ang lumapit sa kanya. Chloe is a very stubborn woman. Hindi ito nakikinig kahit kanino, specially pag-galit ito.
Ngayon ay wala siyang choice kundi harapin at kausapin ito. He missed her so much. Para siyang bumalik nine years ago. Patanaw-tanaw. So near yet so far. And it was driving him insane at napapansin na iyon sa trabaho niya. Pero paano? Paano niya maipapaliwanag ang sarili niya kay Chloe? Na-fru-frustrate na nasabunutan niya ang kanyang ulo.
"Hijo," tinig iyon ng kanyang ina. "may bisita ka."
Nanlumo siya ng sa paglingon niya ay si Yhannie ang naroroon at may hawak na lalagyan. "Oh, hi." Walang ganang saad niya rito. Sa lahat ng kailangan niya ngayon, ito ang huling huli niyang kakailanganin.
"Busy ka?" si Yhannie habang na-uupo sa kanoog na seatee.
Tinaasan lang niya ito ng kilay para sa tanong nito at nailing lang siya ng dumikwatro ito. Halos makita na ang undies nito sa ikli ng palda nito. Yhannie is beautiful, alright, pero hindi niya gusto ang ugali nito. Ito ang unang unang babaeng nakapagpainis sa kanya.
Tumawa ito. Akala siguro nito ay naakit siya sa ginagawa nito.
"Don't stare at it. Baka mamaya..." humagikgik nanaman ito na ikinalukot ng kanyang mukha. "I brought you some menudo. I know it's your favourite."
Lalong kumunot ang noo niya. Ang alam lang niyang nakakalam na paborito niya ang menudo ay ang pamilya niya at si Chloe. Walang masyadong vocal sa pamilya niya tungkol sa buhay niya pwera na lang kung gusto rin ng pamilya niya ang tao. And Yhannie definetly is not.
"And by the way, kailan mo nga pala ako liligawan para ipakilala sa mommy mo? Diba kailangan mo ng maihaharap na girlfriend? Sa pagkakaalam ko inayawan ni Chloe ang alok mong ka-"
Lalong nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "What are you talking about? Paano mong nalaman ang lahat ng ito? Sino ang may sabi sa'yo nang kasunduan namin ni mommy? Kahit kapatid at tatay ko ay walang alam tungkol roon?" he was in rage.
Tila naman tinakasan ng kulay si Yhannie. Dahan-dahan itong tumayo akamang aalis. Mabilis niya itong pinigilan sa braso.
"Sabihin mo ang lahat sa akin or I'll kick your family out of this village."
At tila parrot na nagsalita si Yhannie. Ganoon na lamang ang ngiti niya ng matapositong magsalita ay walang sabing binitbit niya ito papunta sa kabilang bahay.Ito ang magsasalita para sa kanya tutal ito naman ang dahilan bakit sila nagkakaguloni Chloe ngayon.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...