Chapter Four

6.5K 123 0
                                    

MARAHANG nag-inat-inat si Chloe. Kagigisng pa lamang niya at alas-dose na ng tanghali. Natural lang iyon na gising niya dahil madaling araw na halos natatapos ang programa niya sa radio station. Pero lingid sa mga taong nakapalibot sa kanya ay sa call center siya nagtratrabaho at hindi na niya itinatama iyon.



Baka pagkaguluhan siya.



Napangiti siya. "Hirap ng sikat." Tsaka siya humagikgik at sumandal sa barandila ng teresa ng kuwarto niya. Napakunot-noo siya ng mapansin niya ang sasakyan sa harap ng bahay nina Mitch.



"D'yan natulog si Jonas?" takang tanong niya dahil may lalaking nakatalungko sa may gulong at kinukuskos iyon.



Sinipat pa niyang mabuti iyon at muntik na siyang malaglag sa teresa nang tumayo ito at humarap sa kanya.



Shenald! sigaw ng isipan niya.



Si Shenald Nazarine Garcines. Ang nawawalang kapatid ng bestfriend niya. Ang long time crush niya na matagal ng nag-bloom sa pag-ibig. Ang nag-iisang lalaking niligawan niya at tinatangi-tangi ng kanyang puso. Na kung di lamang sa kanyang ama ay hindi ito aalis. O mas tamang sabihing hindi ito mawawala sa kanyang piling.



Huminga siya ng malalim para burahin iyon sa kanyang isip. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang lalaking half naked at nag-huhugas ng sasakyan.



Ang boyfriend ko!



TUGS! TUGS! TUGS! Sabi ng puso niya. Gusto na nga niyang magbuhay ng flashlight. Nabubuhay ang dugo niya sa katawan. Pati ang puso niya ay naghuhuramentado na.



Para siyang robot na tumalikod at pumasok sa kanyang kuwarto. Sapo ang kanyang pisnging humarap siya sa salamin ng kanyang dresser at tumili!



"OMG! I think I'm very very much in love and alive again!" tili niyang muli at iyon ang napasukan ng ina at ate niya. Nakasunod din rito ang kanyang sampung taong gulang na pamangkin na si Althea



"Ingay mo naman, tita," nakalabi nitong saad bago lumapit sa kanya. Dalawa lamang silang magkapatid, parehas pang-babae. Ang Ate Thess niya, na mas madalas niyang tawaging 'Tekla'. At siya na madalas namang tawaging 'babsi' ng ate niya dahil mataba siya dati.



"Hindi ako maingay." Aniya sa pamangkin bago kinudlitan ang ilong nito. "Anong meron bakit kayo naririto?" baling niya sa ina at kapatid.



"Ikaw dapat ang tinatanong namin niyan. Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" anang ng mommy niya.



Ngumiti lang siya rito bago lumapit rito at sinayaw-sayaw ito. "Mommy, in love na naman ako."



"Ano?"



"In love nanaman daw siya." nanginigitng saad ng ate niya.



"Teklat," aniya sa ate niya bago ito namang ang isinayaw-sayaw. "dumating na ang matagal ko ng inaantay."



"Nababaliw ka na naman."



"Matagal na, 'te," tsaka ito binitawan at tila nananaginip na na-upo sa kama. "andyan na uli si Shen-Shen ko." Sabay tili nanaman. Tumitili rin ang kanyang pamangkin at nakisayaw.



"Thea!" tawag pansin ng ate niya rito. Nakalabing lumabas ito ng kuwarto niya si Althea patungo sa kuwarto ng mommy nito.



"Hoy, tigil-tigilan mo nga iyang kakatili mo at nakakabasag ng tenga," anang ng kanyang ina. "Sino bang shen-shen ang sinasabi niyang kapatid mo?"



"Hindi mo na ba siya nakikilala?" umiling ang kanilang ina. "Ulyanin. Tsk. Si Shenald. D'yan sa kabila. Sa mga Garcines."



Bumadha ang rekognisyon sa mukha ng kanyang ina. "Aba'y nakabalik na pala ang batang iyon. Mabuti pa'y makapagluto."



"Ako na po ang magdadala sa kanila, ha." Nakangiti niyang saad sa ina pero abot-abot naman ang kaba niya.



Pero sympre kunsintidor ang kanyang ina kaya ngumiti rin ito. "May magagawa pa ba ako? Alam ko namang hindi mo ako tatantanan kung hindi rin lang ikaw ang magdadala."



"Yes!" sigaw niya sabay suntok pa sa hangin.



"Magpakaligaya ka na habang wala pa ang daddy mo. Kung hindi..."



Sabay pa silang napasimangot ng kanyang ate. They both love their father pero hindi kasi niya maintindihan kung bakit siya nito pinaghihigpitan gayong sinunod naman niya ang lahat ng gusto nito. isang bagay lang ang sinuway niya rito. Ang kursong kanyang kinuha. Pero napakababaw niyon para sakalin siya nito sa sobrang pahihigpit nito sa kanya.



"Opo," aniya sa ina.



Malungkot lang naman siyang sinulyapan ng kapatid bago inakbayan.


[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon