"OH, by the way, thank you for asking, Nicky," kinikilig niyang ulit sa sinabi ni Shenald ng maka-akyat siya sa silid ng kaibigan."Ano ba? Kanina mo pa inuulit-ulit 'yan." Nayayamot na saad ni Mitch. "Pag-ako naiinis talaga say'o tatawagin ko si kuya."
"Edi tawagin mo para masaya." Aniya. Lumilipad pa rin kasi siya mula ng sabihin iyon ni Shenald.
Pagkatapos niyang tumili kanina ay tulala na siyang napa-upo sa sofa at paulit-ulit na binabanggit ang sinabi ni Shenald. Her feelings was as if she's in heaven, real heaven. At wala siyang pakialam kung marindi ang kaibigan niya.
Nagising lang siya sa kawalan ng sumigaw at tawagin ni Mitch ang kuya nito. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito upang patahimikin ito.
"Anong ginagawa mo?"
"Tinatawag si kuya. Sabi mo tawagin ko," anito bago muling tinawag ang kapatid.
Muli niyang tinakpan ang bibig nito. "Ano ka ba naman? Baka natutulog na 'yon."
Tila naman nahimasmasan na ang kabigan niya sa sinabi niya at umayos na ito at muling binalikan ang binabasang aralin.
"Pero kinilig talaga ako." Pagkasabi niyon ay nagtakip na ng unan ang kaibigan niya. "Pakinggan mo na muna ako." Aniya rito at hinatak ang unan.
"Mag-aaral pa ako."
"Time-out lang. Tutulungan kitang mag-aral basta kausapin mo muna ako." Pamimilit niya rito. "Promise, pagkatapos nito titigil na ako at mag-aaral na tayo."
"Fine." Sukong saad ng kaibigan. "Ano ba 'yon? Ikuwento mo na."
Ngumiti siya rito at sinimulan ang pagkukuwento tungkol sa nangyari kanina. Muli nanamang bumangon ang kilig sa kanyang sistema kaya di nanaman niya napigilan ang tiling umalpas sa kanyang lalamunan.
"Alam mo 'yon, friend," patuloy niya. "hindi lang naman ako kinilig doon sa 'oh, by the way, thank you niya' at sa pagkindat niya kundi doon sa pagtawag niya sa akin ng Nicky!" muli nanamn siyang tumili. Tumigil lang siya ng hampasin siya ng unan ng kaibigan.
"Tama na tili at nakukulilig na ang tenga ko. Ano naman kung tawagin ka niyang Nicky?"
"Friend, kung ako endearment ko sa kanya ay Shen-shen. Siya naman sa akin ay Nicky. Mitch! Walang ibang tumatawag sa akin ng Nicky kahit tatay at nanay ko!"
"'Wag ka ng tumili," pigil sa kanya ng kaibigan. "baka ayaw lang niya ng name mo na Chloe o Nicole."
Nahampas niya ito ng unan. "Panira ka talaga 'no? Basta endearment niya sa akin iyon sa maniwala ka o sa hindi."
"Endearment as a younger sister." Ngumisi ito. Nang almang hahampasi niya ito ay ay sumusukong ummiling na lang sa kanya ang kaibigan. "Ano game ka na?"
"Ha?"
Itinuro lang ni Mitch ang mga libro. Ngumiti lang siya at umiling.
"Ano na naman ba 'yan?"
"Anong favourite color niya? Favourite food? Hobby? Anong madalas niyang pinakikinggang kanta? Sa'n siya madalas tumambay pagwalang pasok? Tsaka..." sunod-sunod niyang tanong sa kaibigan.
Ekspaheradong isinubsob na lang ni mitch ang ulo sa unan. Hindi niya titigilan ito tungkol sa kapatid nito. Well, she's definetly into Shenald.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...