Chapter Seventeen

4.3K 96 0
                                    

Present

"AND that is tameme by Jolina Magdangal." Aniya sa mikropono. "Kaya kayong mga lalaki. 'Wag kayong tatame-tameme. 'Wag kayong abusado. Mahirap kayang manligaw. Alangan namang kami pa ang mag-sibak ng kahoy." Tumawa siya sa sinabi. "Kaya ikaw. Simulan mo na bago ako nanaman ang gumawa ng paraan." Binuntutan niya iyon ng tawa.

Pli-nug na niya ang tatlong huling request ng listners bago siya nagpaalam. Tapos nanaman ang shift niya at inaantok nanaman siya. Sabagay, padating na uli si sunshine at umaga nanaman kaya suguro inaantok na siya.

Napangiti siya nang makita niya si Mitch. Everytine kasing makikita ang kaibigan ay hindi niya maiwasang ma-associate ito sa kuya nito. Now, speaking of Shenald, na dinedeadma ang beauty niya, ligawan kaya niya itong muli?

Ano naman ang gagawin mo?

Saglit siyang nag-isip at napangiti. Ipagluto ko ulit ng menudo. Iyon lang ata ang pagkaing naperpekto ko after ten years.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" bungad ni Mitch sa kanya paglabas niya ng booth.

Ngumiti siya rito. "Gusto mo ng menudo?"

"No, thanks," mabilis na tanggi nito. "may trauma na ako sa menudo mo. Kaka-practice mong lutuin 'yon. Nag-sawa na ako."

Sumimangot siya sa sinabi nito pero dagli ring napangiti. Ito kasi ang naging tester niya pagnag-luluto siya ng menudo. Nandoong sobra sa alat, walang lasa, at minsan napag-tripan niyang lagyan ng siling labuyo. Inalmoranas ata ito pagkatapos.

"Pero may alam akong titikim no'n at uubusin." Napangiti siya sa sinabi nito.

"Thank you talaga!" sabay yakap niya rito.

"Siguraduhin mo lang na aalatan mo, ha. Ayaw no'n ng ibang lasa. Maalat na menudo mo lang ata gusto no'n, eh." tsaka sila nagkatawanan.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon