Chapter Twenty

1.3K 35 0
                                    

NAPAPAKAMOT ng ulo si Shenald at panay ang tikhim niya. Hindi niya lubos maisip papaanong napapayag siya ni Mitch na gawin ang sinabi nito. Since nasa radio station nagtratrabaho si Chloe bakit daw hindi niya haranahin ng harap harapan si Chloe. Sawang sawa na raw kasi ito sa mga palakang naririnig niya.

Naalala pa niya ang tanong niya rito. "Anong kakantahin ko?"

"Sarung banggi," nakangising saad nito.

"Ano?!"

"Ay, OA. Biro lang 'to naman. Edi kung anong feel mo."

Iyon ang masama hanggang ngayon na nasa harapan na siya ng bahay nina Chloe wala pa ring siyang maisip na kanta.

"Ano na kuya?" biglang sulpot na saad ni Mitch. Muntik na niyang mahampas ng gitara ito sa gulat.

"May sa kabute ka ba? Bigla ka na lang sumuslpot, eh." kabadong saad niya rito.

"Kanina pa kasi kita tinitgnan doon sa bahay hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig." Yamot na saad nito. "Makakatulog na 'yan si Chloe, eh. Tandaan mong antukin 'yan. Pag 'yan nahiga na wala ng seremonyas, hihilik kagad 'yon. Bagal-bagal kasi." Pabulong na habol nito.

Huminga muna siya nang malalim bago sinulan ang pag-strum sa kanyang gitara at kumanta.

Bahala na si batman. Piping dasal niya.    

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon