GULONG-GULO pa rin ang isipan ni Chloe. Wala siyang pasok noon at nasa loob siya ng village at naglalakad lakad hanggang mapadpad siya sa court. May mga naglalarong teenager roon at may mga natitiliang babae. Naalala tuloy niya ang sarili niya sa mga iyon. Nagtitili at kinikilig habang pinapanood si Shenald. Napangiti siya.
Muli ring naglaho ang ngiti niya ng maalala nanaman ang kaguluhan sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Tama bang iwan niya si Shenald para sa kalayaan niya na unti-unting kinukuha nito. Daig pa nito ang kanyang ama pero di niya magawang mainis dito tulad ng pagkakainis niya sa kanyang ama pag-pinagbabawalan siya sa mga bagay. Sa halip ay mas nananaig ang sakit.
Isipin pa lang niya mawawala si Shenald sa kanya ay nasasaktan na siya. At iyon ang nag-tutulak sa kanya na 'wag itong iwan pero paulit-ulit ding umuukilkil sa isipan niya na maari siyang masakal sa pagmamahal nito at tuluyan na itong huwag mahalin.
Ayoko! Mabilis na tanggi ng kanayang isipan. Ayaw niyang dumating ang panahon na kalimutan ang nararamdamn niya para rito. Pero anong gagawin niya?.
Naramdaman niya ang pag-upo ng kung sino sa kanyang tabi. Nalingunan niya si Yhannie habang nakikitanaw din sa mga kadalagahang nagtititili.
"Pathetic aren't they?" anito.
Siya ba ang kinakausap nito? Nilingon tuloy niya ang paligid at nang walang makitang ibang tao ay tinignan lamang niya ito.
"Parang ganyan ka lang kay Shenald noon," patuloy nito bago siya nilingon. "And still is."
Nagpantig ang tenga but she kept it cool. "Bakit? Ikaw din naman, ah." Pang-aasar niya rito.
Napapansin kasi niya minsan, madalas itong mag-bisikleta o kaya naman mag-stroll kasama ang napakaraming aso nito sa tapat ng bahay nina Shenald. Tinityempuhan niyang papasok sa ospital ang binata.
She had to give credit kay Yhannie dahil tinat'yaga nitong kabisaduhin ang schedule ni Shenald. Pinupuntahan at nagpapapansin kahit na sampung kanto ang layo ng bahay nito sa kanila.
Masuwerte lang talaga siya dahil naging kaibigan niya si Mitch.
Lalo pa siyang napangiti ng makitang namumula ang mukha ni Yhannie. "You bitch." Bulong nito.
"Cute naman akong bitch at hindi trying hard." Nakangiti pa rin niyang saad na sa hula niya ay lalong nakapagpainis dito.
Natatawa rin siya sa sitwasyon nila. Alam niyang nagpipigil lang si Yhannie ng galit pero kung hindi lamang mawawala ang poise nito, baka kanina pa siya nito sinabunutan...at game siya para doon. Papayag ba siyang maagaw ang Shenald niya sa kanya.
Lalong lumapad ang ngiti niya sa naisip. Shenald niya. Talagang inaangkin niya ang binata.
Akin naman talaga siya! Lalo pang lumapad ang ngiti niya. Pakiramdam niya ay umabot na iyon hanggang sa tenga niya.
"Tignan natin kung ngi-ngiti ka pa sa ibabalita ko." Biglang saad ni Yhannie.
Nilingon niya ito. "Na ano? Kayo na ni Shenald? Sino ang third party sa atin? Ikaw?" binuntutan pa niya iyon ng tawa.
"Laugh all you can pero makaktawa ka pa kaya kung sasabihin kong ginagamit ka lang ni Shenald?"
Napatigil naman talaga siya sa pagtawa at nilingon ito. Sa tingin niya ay hindi naman ito nagsisinungaling dahil seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Cat got your tounge, dear?" tudyo nito.
"Y-you're just saying that para masira kung anong meron kami."
"Oh, come on. Don't be naïve. Alam natin parehas na kaya umalis si Shenald ay para iwasan ka sa pangungulit mo. Diba, dahil sa sinabi mong girlfriend ka niya ay wala ng babaeng lumapit rito at bukod pa roon ay inayawan na siya ng nililigawa niya."
Napamulagat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam iyon at wala namang nababanggit si Mitch sa kanya noon. Hindi rin niya akalain na ayaw pala nito ang pangungulit niya at pagtatanggol niya rito sa pamamagitan nang pagpapanggap na nobya nito. Ang pagiging magiliw nito matapos iyon ay isang pagpapanggap lang? Pinasakay lang siya nito?
"I see," ani ni Yhannie ng hindi siya magsalita. "mukhang wala ka ngang alam. Poor you. You see, someone told me that hiniling ng mommy ni Shenald na mag-asawa na siya at kailangan na niya ng apo. Since wala siyang makitang girlfriend at ikaw naman ay papansin ng papansin, naisip niya na, you still have a thing for him, kaya sinunggaban niya ang pagkakataon. At ikaw naman na walang kaalam-alam na sobrang nabubulagan ng pag-ibig ay kumagat sa bitag niya.
"Anu-ano nab a ang nasabi Shenald sa'yo? Pinaasa ka ba niya na mahal ka talaga niya, eversince? Come on, sino bang magkakagusto sayo, lalo na sa ganyang katawan?" tumawa ito matapos siyang tignan mula ulo hanggang paa. "I must say, maganda ka pero mataba ka naman."
"Hindi ko mataba."
"In denial?" inirapan siya nito bago umaktong aalis. "Expect a proposal from Shenald. ciao." Nag-flying kiss pa ito bago siya nilayasan.
Naiwan naman siya roon na nakatulala. Tama ba ang narinig niya? Ang lahat-lahat ay isang malaking kasinungalingan lang. At kaya lang siya ngayon niligawan at naging nobya ni Shenald ay dahil sa kagustuhan ni Shenald na matupad ang hiling ng ina nito?
Maari ngang tama si Yhannie dahil umalis ito noon ng walang paalam. Sa pagbalik naman nito ay hindi siya nito gaanong pinapansin at bigla bigla ay magpapahayag ito ng walang wagas na pag-ibig.
Nailing na lang siya habang tumutulo ang kanyang luha. Naguguluhan siya sa pinapakita ni Shenald.
Kung hindi siya nito mahal bakit sa mga yakap at halik nito ay ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito? Bakit sa tuwing makikita siya nito ay nagniningning ang mata nito sa tuwa? Bakit sa tuwing magsasalita ay tila laging may kalakip na paglalambing ang bawat salita?
Madaming bakit. Mga bakit na hindi na niya alam ang kasagutan.
Bakit ka ba kasi nag-eemote? Hindi ba kanina ay nahihirapan ka kung ano ang dapat mong gawin sa relasyon ninyo ni Shenald? Ngayon ay nandiyan na ang dahilan para magkahiwalay kayo at makuha mo na ang kalayaan mo, bakit nagatatanong ka pa kung mahal ka nga ni Shenald o hindi?
Marahas niyang pinahid ang luha ng maisip iyon. Ngunit lalo lamang umgas iyon.
"Bakit ako nagtatanong?" kausap niya sa sarili. "I'm asking because...I love him." Aniyaat pigil ang hagulgol na nais kumawala sa kanyang labi at nilisan ang lugar.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...