THEY were laughing their heads out ng kanyang daddy sa kanyang kuwarto ng humahangos na pumasok mula roon si Thea.
"Tita! Tita! Tita! Si tito Shenald nasa baba may kasama siyang babae. Maganda tsaka sexy kaysa sa'yo." Ngumisi ito bago tumakbo palabas.
Nagkatinginan naman silang mag-ama at walang pagmamadaling bumaba na sa kanilang bisita.
Mabilis na naglaho ang kanyang ngiti ng makita niyang magkatabi sa kanilang sofa si Shenald at Yhannie. She saw a glint of mysterious smile on Yhannie's eyes and longing in Shenald's.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa pagtitig ni Shenald sa kanya. Kung hindi siguro siya hawak ng kanyang ama ay tinakbo na niya ng yakap at halik si Shenald.
She doesn't care kung kasama nito si Yhannie o kung may relasyon ang dalawa all she wanted was to be in his arms.
"Mr. Aviado," simula ni Shenald pero mabilis na pinigilan ito ng kanyang ama.
"Bibigyan lang kita ng kinse-minutos para magpaliwanag sa akin Shenald. May usapan tayo pero ano itong nabalitaan ko na sinaktan mo lang ang aking anak? At siya? Sino siya sa buhay mo? Bakit mo siya dinala rito sa pamamahay ko?"
Pinigil niya ang mapangiti sa tono ng kanyang ama. Sa tono nito, kahit sino ay mababhag buntot at halatang halata iyon kay Yhannie. Namumutla ni kasi ito mula sa kinauupuan. Habang si Shenald ay matatag na nakipagtitigan sa kanyang ama. Pinigil niyang muli na mapangiti rito. Her Shenald is doing well pero kinakabahan pa rin siya sa sasabihin nito.
Paano kung biglang sabihin ni Shenald na mag-back-out na ito sa usapan nito at ng kanyang ama. Na baka ipinagpalit na siya nito kay Yhannie.
Lord, 'wag naman po sana.
"Your time is starting, Shenald." anang ng kanyang ama.
Muntik na siyang mapatalon ng biglang lumipat sa kanya ang paningin ni Shenald. Ang kaninang walang emosyong mata nitong nakatingin sa kanyang ama ay biglang lumambong.
Kitang kita niya roon ang lungkot at pagmamahal. Her heart swell looking through his eyes.
"I love your daughter, Mr. Aviado. I love her more than my life." Simula nito. "Kaya matapos kong magtrabaho at mag-aral para sa aming dalawa ay bumalik ako rito. Nakapagpundar na ako ng bahay at trust fund para sa magiging anak namin. You told me that I should give more than what you have gave. And I wanted to give that to her as soon as I came back. But..." saglit itong tumigil at napayuko.
She choked her tears. Ito na ang ikinakatakot niya. Tatayo sana siya mula sa kinuupan ng maramdaman niya ang kamay ng kanyang ina at ate sa kanyang magkabilang balikat. There were smiles on their faces kaya nanatili siyang naka-upo roon. Umaamot ng lakas sa kanyang pamilya.
"But you were not here, Mr. Aviado. I wanted you to be here when I propose to your daughter." Muli nanaman itong tumingin sa kanya. "Kaya lamang intake si mommy."
"Ano naman ang kinalaman ng pagkakaatake ng mommy mo rito?"
Huminga muna ito ng malalim. "She wanted me to get a wife as soon as possible." Diretsong saad nito kaya hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Mukhang tama nga si Yhannie. Pero mabilis niya iyong pinunasan. Hindi siya dapat umiyak.
"You, son of—"
"Dad," bulong ng kanyang ina. "Continue, Shenald."
"But it has nothing to do with my proposal." Patuloy nito. "I intended to propose to her with our without that condition. Kung tutuparin ko man ang kundisyon ni mommy, would you think na ililihim ko iyon sa kanya?"
"But you did." aniya sa mahinang tinig.
"I didn't," sagot nito. "dahil tila natauhan si mommy nang makalabas ito ng ospital. Hindi daw tama na i-pressure niya ako. Baka nga daw magkatotoo ang mga naiisip niyang posibilidad na kumuha lang ako ng sino. Kaya bago pa man ako mag-propose sa'yo, that condition was off."
Huminga muna ito ng malalim na tila kumukuha ng lakas bago nagpatuloy. "Then I told myself, ibibigay ko muna ang lahat ng gusto niya bago ko pagbigyan ang gusto ko. I'll just wait for you, Mr. Garcines, pero mukhang minamalas ako at pinagmamadali ako ng tadhana." Biglang nabaling ang buong atensyon nito sa kanya. He tried holding her hand pero pinigilan nito ang sarili.
"Remember that story, Nicky? The woman who died in my operating table." Tumango siya roon pati ang kanyang ama. "When that happened, alam kong may dinaramdam ka na, Nicky. Bigla akng lumayo at nanlamig sa akin noon. Hindi ko alam kung bakit but you know how I value your private time kaya hinayaan kita pero nang mangyari iyon sa operating table ko, natakot ako." Then he started crying.
Hindi na niya napigilan ang sarili. She stood up and hold Shenald. She hugged him like there was no tomorrow. She hugged him while he cried in her tummy.
"I miss you so much, Nicky. I'm like a living dead without you. Forgive me. Please." There were so much agony that made her tears fall.
Paano niya masasabing napatawad na niya ito kahit hindi pa ito humingi ng tawad. "I already forgave you." She said between sobs. "Kahit hindi ka pa humingi ng tawad. I'll always forgive you. And I love you so much."
"And I love you more, Nicky." Anito bago siya naman ang kinabig.
He was about to kiss kung hindi lamang tumikhim ang kanyang ama. "No kissing in front of me." Saad nito bago binaling ang tingin kay Yhannie. "And what is her part?"
"She..."
"Look, I'm sorry," putol ni Yhannie sa sasabihin ni Shenald. "I really wanted you for myself but I guess you really love Chloe."
"I wanted to curse you till you die. I shouldn't have listened to you."
"But you did and I almost won the battle." Mataray pa ring saad nito. "tamang tama ang timing ko but I guess Shenald is not for me."
"Sana noon mo pa yan tinanggap and if it weren't for you, Mrs. Garcines na sana ako."
"I know! Don't rub ito the wound. Nag-sosorry na nga ako, eh." Tila naiirita ng saad ni Yhannie. "Can I go now? I've said my sorry. And besides, I know I'm not welcome here." Anito. At kahit wala pa silang sinasabi ay umalis na ito.
Nagkibit-balikat na lang silang lahat.
"So...what's next?" anang ng pamangkin niya na ikinatawa nilang lahat.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...