TUMATAGINTING na tawa ang pinakawalan niya dahil sa text na binasa niya galing sa listener niya.
"Tama ka d'yan...anong pangalan nito? A-hay-ra-ha?" tumawa na naman siya. "Akalain mo 'yan. Ayaw mo sa jejemon at pinagmamalaki mo pang jejebuster ka pero, 'day, ang name-sung mo tumataginting sa 'h'." Tumawa na naman siya.
Tungkol sa jejemon at jejebuster ang usapan nila ng araw na iyon at natutuwa naman siya sa feedback ng mga listeners niya. Madami kasing nakakarelate lalo na't karamihan sa mga nagmamay-ari ng cellphones ay teenagers. At ang jejemon ay isang uri ng texter na halos hindi na maintindihan ang mensahe sa text message.
"Putulin muna natin ang mga kaligayahan natin at sagutin ang ating caller. Baka may madagdag siya tungkol sa ating tsismisan. Malay natin isa rin siya jejemon," tumawa na muna siya bago tuluyang sinagot ang telepono. "Hello?"
"Good morning, binibining mahadera," bati sa kanya ng caller.
Mabilis na nag-angat ang tingin niya sa salamin at sa mga kasamahan niya. Kitang-kita niya ang kilig sa mukha ng mga kasama niyang babae. Tulad niya ay tila nabighani rin sa boses ng lalaki.
Nabighani ka nga lang ba?
Hindi.
Tama. Hindi lang siya nabighani dahil naging eratiko na ang tibok ng puso niya. Pamilyar din sa kanya ang boses na iyon pero kahit anong hagilap niya sa isip ay wala siyang maalala. But her heart was saying something.
Mabilis niyang kinalma ang sarili. Hindi siya pwedeng ma-distract sa gitna ng trabaho niya. Mahal niya ang trabaho niya and she must stay focus! At isa lang effective na paraan para bumalik siya sa huwisyo.
Ang mga may magagandang boses ay pangit. Napangiti siya dahil nawala na ang kakaibang tibok ng puso niya. Effective talaga ang ginagawa niyang pang-o-okray.
"Magandang umaga din, kuya!" ganting bati niya rito at nang tumawa ito at muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya. Ang ganda rin ng boses nito pagtumawa at hayun nanaman ang puso niyang kumakabog-kabog.
"Kuya, 'wag kang tumawa. Baka ma-in love ako sa' yo," saka siya tumawa. Dinaan lang niya sa biro ang kabang nadarama na sa hula niya ay hindi na madadaan ng pang-o-okray niya.
Hindi niya maintindihan ang puso niya dahil hindi na bumagal ang tibok niyon. Kabadong-kabado siya at tila naiilang siyang kausap ang lalaki. At sa di mawaring dahilan ay iisang mukha lang ang nabubuo sa kanyang isipan.
Sinulyapan niya si Mitch. Mukha ring nakikilala nito ang boses dahil naka-kunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Muli niyang itinuon ang atensyon sa trabaho ng katukin siya ng iba pa niyang kasamahan.
"'Wag mo na kong kuya-hin. Bata pa ako," he chuckled. "'Wag ka rin munang ma-in love. Tsaka na pagnagkita na tayo." Muli na naman itong tumawa. Mag-wa-walk-out na sana siya sa booth dahil nasusuka na siya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Muntik pa siyang mapatalon ng muli itong magsalita.
"In the mean time magrerequest muna ako. Kaya lang baka hindi pwede." Nahalata niya sa boses nito ang bahagyang pagka-hiya kaya napangiti siya.
"T-tingnan mo si kuya, nahiya pa." Hindi niya napigilan ang pag-kautal niya dahil sikdo ng sikdo ang dibdib niya. Kulang na lang ay tapatan niya iyon ng flashlight at sabihing 'tugs, tugs, tugs,' dahil sobra na ang pagkabog niyon. "P-pwede naman kahit ano kuya. Bago ba 'yan? O luma? Kahit luma. Papahanap ko sa baul." Tumawa na naman ang lalaki.
Muntik na niya itong masinghalan na huwag tumawa ng tumawa dahil ayaw ding tumigil ng puso niya sa pagsikdo sa tuwing tumatawa ito.
"Luma nga siya," ani ng lalaki. "Mr. DJ."
"Sigurado ka?" pigil ang tawa niya.
"Yep."
"Kuya, ilang taon ka na, ha? Bagong bago 'to, ah. Kakarelease kang nito kanina," saka siya humalakhak. Akala niya ay ma-o-offend ito pero sa halip ay nakitawa rin.
"Kaya nga gusto siyang pakinggan."
Nice. Iyon lang ang naisip niya. Magaling maki-ride ang lalaki.
"Kuya bago ang lahat. Ano nga pala ang pangalan mo?"
Saglit na katahimikan ang nagdaan. Akala nga niya wala na ito pero sumagot naman ito ng tawagin niya uli.
"Akala ko nakatulog ka na."
"Nah, I miss your voice kaya hindi pa ako makakatulog."
Saglit siyang natigilan roon.
He missed her voice? Bakit? Magkakilala ba sila nito at parang kilalang kilala siya nito?
"B-bakit? M-magkakilala ba tayo? Ikaw kuya, ha." Tumawa nanaman ito. "So, ano pong name?"
"Sharon."
"Sharon? Bading ka ba?"
Tumawa na naman ito. Napahawak na siya sa dibdib niya baka kasi tumalon na iyon ay kumaway na ng bongga sa kanya.
"Hindi. Si Sharon ang kumanta."
Ano daw?
"Sige. Magpapaalam na ako," anito bago pa man siya makapag-react. Ibinaba na nito ang telepono matapos sabihin ang station i.d. nila.
Hindi na siya nakapagsalita. Somewhere deep into the recesses of her mind, narinig na niya ang boses at tawa nito. kailangan lang niyang halukayin ang utak niya.
Mr. DJ, can I make a request. Pwede ba 'yong love song ko? Mr. DJ para sa akin ito sana ay okay sa'yo. Hihintayin ko na patugutugin mo. Thank you uli sa'yo.
Hindi niya alam kung siya lang iyon o sadyang parang may laman ang kantang iyon.
Sino ka ba....Sharon?
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...