NAPAPATAYO at nagtititiling pumalakpak si Chloe habang nanonood ng basketball...sa village nila. Sabado ng hapon iyon at wala siyang pasok at walang practice. Nakita niyang lumabas ng bahay ng mga ito si Shenald at may hawak na bola. Without thinking twice, nagmadali siyang mag-ayos at niyaya kagad si Mitch. Hindi naman na nakatutol ang huli dahil bored rin naman ito sa bahay at pinangakuan na siya na lamang ang gagawa ng assignment nito sa Trigo.
"Ang galing talaga ng kuya mo!" kinikilig niyang saad kay Mitch na wala namang ginawa kundi ang tumango lang. "Uy, mag-react ka naman."
"Anong gusto mong sabihin ko? Matagal ko ng alam na magaling 'yan si kuya. Hindi naman magiging varsity sa school nila 'yan kung di magaling 'yan," pumalatak pa ito. "Tignan mo, mag three points pa 'yan. Hindi man lamang tatama sa ring 'yung bola. Tignan mo dali."
And true to her words. Nag-tres nga si Shenald at swak na swak ang bola. Napatingin na lang siya sa kaibigan. "Pasensya ka na friend kung nabobore ka." Nilingon naman siya nito with knotted forehead.
"Anong drama mo?"
"Wala. Mantakin mo lagi mo nang kasama kuya mo tapos pag-ako kasama mo, siya pa rin."
Ngumiwi ito. "Tantanan mo nga ako, Chloe. Hindi ako nagrereklamo at hindi ako nabobore."
"Wee?" nangingiting umiling naman ang kabigan niya.
Akala siguro nito ay hindi na siya nakatingin rito at ganoon na lamang ang ngiti niya ng may kung sino itong sinusundan ng tingin. She followed her view at muntik na niya itong itulak sa akita.
"Ikaw, ha. Naglilihim ka," may tampong saad niya rito. "may gusto ka kay Chase 'no?"
Inirapan lang siya nito. "Oo." Walang gatol sa sagot nito. Napatili tuloy siya.
"Ang daya mo."
"Busy ka kasi kay kuya."
"Sorry," sinsero niyang saad. Totoo naman kasi iyon. Pulos Shenald, Shenald at Shenald na lang siya. Hindi tuloy niya napansin na ito rin pala ay may tinatangi na. "Dalaga na siya. Bilog na utot."
"Tse," tatawa-tawang irap nito. "Kung ako sayo, tatantanan mo ako at asikasuhin si kuya dahil may linta ng nakapulupot sa braso ni kuya at may iba nang nag-aalaga."
Tila biglang umusok ang bunbunan niya nang sa paglingon niya ay nakita niyang nakalingkis si Yhannie sa braso ni Shenald at pinupunasan ang pawis nito.
"Go girl," narinig niyang bulong ni Mitch matapos nitong iabot sa kanya ang bimpo at tubig ng kapatid nito.
Taas noong nilapitan niya ang mga ito. "Excuse me." Aniya sa mga players at sa mga babaeng linta.
"At sino ka namang bubuwit ka?" mataray na saad ni Yhannie sa kanya. Naghagikgikan naman ang mga alipores nito. "Naliligaw ka ba bata? Hindi dito ang bilihan ng pagkain. Lumabas ka ng court tapos kumanan ka unang kanto sa kaliwa mo, kumaliwa ka at diretsuhin mo." Nakangising saad nito.
Kung ibang tao siguro siya maiintimidate siya rito. Bukod kasi sa matangkad at seksi ito sa edad nitong disi-siete ay sopistakada na itong tignan. A perfect aristocrat with a very ugly attitude.
Ang tinuturo nitong lugar ay diretso palabas ng village nila kaya mga nakangisi ang mga ito.
"Thank you very much for the direction pero kung lalabas man ako ng village na ito, isasama ko ang boyfriend ko." Maanghang niyang sagot dito bago nilahad ang kamay kay Shenald. "Tara na, Shen-shen. Nagugutom na ako sa kakatili at kaka-cheer sayo. Ang galing mo kasi, eh."
Kung anong ganda ng ngiti niya ay ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam bakit niya sinabing nobyo niya si Shenald pero iyon lang ang naisip niyang paraan para makuha niya mula kay Yhannie ang binata. Isa pang ikinakakaba niya, baka hindi tanggapin ni Shenald ang nakalahad niyang kamay.
Ibababa na sana niya ang kanyang kamay ng biglang abutin iyon ni Shenald at ngitian siya nito. "Nagutom ka ba? Don't worry, papalitan natin ang nawala mong taba." Nakangisi nitong saad bago siya nito hinila at akbayan. Walang anumang tinanggal nito ang mga braso ni Yhannie at naglakad palayo sa mga ito.
"Thank you," bulong nito nang medyo nakalayo na sila.
Nakangiting sinulyapan niya ito. "Thank you ka dyan. May kapalit 'yon," pabirong saad niya rito
"Oo ba. 'Yon lang pala, eh. Saan mo gustong kumain?" sabay pisil sa kanyang ilong.
Tatawa-tawa ito ng ngumuso siya pero sa totoo lamang ay kinikilig na ang puso niya. Kung may sakit lang siya sa puso baka bigla na lamang siyang bumulagta roon.
"Gusto ko sa Italianni's!" sigaw niya. Tumawa lang muli si Shenald at lalo pa siyang kinabig. Lalo rin naman niyang idinikit ang ulo sa dibdib nito. Kahit kasi pawisan ito ay mabango pa rin ito.
Oh, she can live with that forever. Napangiti siya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...