Chapter Twenty Four

1.3K 37 0
                                    

"MAKULAY ang buhay, makulay ang buhay sa ginatang Shenald," iyon ang last song syndrome niya simula ng 'halikan portion' nilang dalawa. And that was two days ago.

Wala naman siyang mahihiling kay Shenald. Well, he's very been attentive to what she needs and wants. OA na nga ito minsan. Mas OA pa kaysa sa kanya.

"Excuse me, miss. Bawal ho maingay rito sa ospital." Anang ng nurse na nasa nurse station. Nginitian lang niya ito at patuloy na nag-antay roon.

Dinalhan kasi niya si Shenald ng tanghalian and she can't wait to see him. Kaya naman ng makita ito na kaliliko pa lamang sa pasilyong tinutumbok ng kinatatayuan niya ay tinakbo na niya ito.

"Shen-shen!" tili niya na ikina-angat ng tingin at ikina-kunot ng noo nito. Mabilis siyang tumakbo rito at mahigpit na niyakap.

"What are you doing here, Nicky?" may iritasyon sa tinig nito na ikinagulat niya. Agad siyang humiwalay rito.

Mabilis niyang inilahad ang baunan na dala, ignoring the tone that he used and put a smile on her face. "Dinalhan kita ng food."

Muli nanaman kumunot ang noo nito bago siya hinawakan sa kamay at kinaladkad pabalik sa nurses' station. Nagbilin lang ito saglit bago muli siyang hinatak. Kumaway lang siya sa mga nurses na naroroon na ginantihan naman siya ng alanganing kaway.

Tahimik lang siya nagpahatak rito, watching his hand held hers. Ni hindi nga niya makita ang kamay niya sa laki ng kamay nito. though his hand is big, she felt so safe.

"Aray ko," bulong niya ng mabangga siya sa likod nito. Bigla kasi itong tumigil and she was too busy day dreaming to notice.

Nasa canteen na pala sila. They sat on the farthest part of the canteen, 'yong walang ganoong tao.

"Bakit dito tayo?" aniya. "Wala ka bang opisina o ano?"

"Ayoko do'n amoy gamot do'n baka mawalan lang ako ng gana," pormal na pormal na saad nito. Nagkibit-balikat lang naman siya.

"Kain na. Ako nagluto niyan." Ngiting ngiting saad niya. Isang malaking achievement para sa kanya ang magluto. Ni hindi pa niya natitikman iyon dahil excited siyang ipatikim iyon kay Shenald.

"Beefsteak." Mahinang saad nito bago tinikman ang pagkain. Maya maya lang ay magana na itong kumain. Nangingiti na lang siya.

"Bakit hindi ka kumakain?" anang nito maya maya. "Don't tell me na nag-di-diet ka?"

Nginisihan lang niya ito.

"Don't you dare," saad nito. "hindi ka magdi-diet. Kakain ka. Kayong mga babae, iba ang definition ninyo ng diet, eh. You don't eat but you exercise like hell!"

"Ganoon talaga kung gusto naming maging sexy." Katwiran naman niya. "Tsaka I'm taking this tea—"

"You will stop drinking that tea or else..." may pagbabanta talaga sa boses nito and that is the first time that he used that dreaded tone on her. At hindi naman niya malaman ang sarili bakit bigla siyang natakot rito.

"Ito na. Kakain na...ako...asan na 'yong pagkain na dala ko?" gulat na tanong niya rito.

Natawa na lang siya ng bahagyang namula ang mukha ni Shenald. "You ate it all, babes?" muli siyang tumawa.

"Stop it." mariing saad nito. "Stop it or I'll kiss you."

"Kiss me then, cause I wont stop." Ganting hamon niya rito.

Saglit silang nagtitigan. He was inch closer when she closed her eyes waiting for his kiss. Nararamdaman na niya ang mabining hininga nito sa kanyang mukha.

"Maybe next time, sweetheart. When we're not in a public place." Anito bago siya binigyan ng mabilis na halik.

"Tumayo ka na diyan. Sumunod ka sa akin sa office. Kuhain natin 'yong baon ko at iyon ang kainin mo tapos umuwi ka na."

Napapanguso lang niyang nasundan ito ng tingin. How she love this man. Very...unpredictable.

"Nicky." Tawag nito.

"Coming babes," tatawa-tawa niyang saad dahil balik nanaman ito sa pagiging seryoso.

Everyday sure is colourful. Kahit na minsan ay naloloka siya sa pabago-bagong ugali ng nobyo.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon