Chapter Six

1.8K 41 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA si Chloe habang nag-aantay ng shift niya. Napaaga kasi ang dating niya sa station nila dahil minithi niyang masilip man lamang si Shenald sa katapat na bahay.

Hindi naman niya matanong si Mitch kung nasaan ang kuya nito dahil busyng busy pa ito sa loob.

Nangingiti na lang siya. Hindi niya akalaing pagkatapos ng nine years ay bumalik si Shenald sa lugar nila. Nang umalis ito papunta sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-meemdisina nito ay pinilit niyang kalimutan ito. Nagtagumpay naman siya pero di naman niya maikakailang ito ang nagiging basehan niya ng mga lalaking nakakrelasyon niya.

She was so pathetic and aggressive then. Lagi siyang nagpapansin rito at sinusundan-sundan ito kung saan-saan. Minsan na nga siyang muntik mapahamak na kundi rin lamang kay Shenald ay natuluyan na ang masamang pangyayari na iyon.

At sa ginagawa mo ngayon, akala mo naman hindi ka nagpapapansin?

Muntik na siyang mapahalakhak.

Anong magagawa niya? ganoon at ganoon naman talaga siya. What she wants, she will get at hindi exemption si Shenald doon.

Ngayon pang nararamdaman kong mapapasa-akin na siya. Bwahahaha. Tawa niya sa kaloon-looban niya bago napatingin sa salamin sa locker room nila.

"Hindi pa ba niya ako mapapansin ngayon?" aniya bago sinipat ang mukha. "Simula't sapol, maganda na ako. Makinis. Maputi. Walang bahid ng pimple o kung ­anek-anek sa mukha. Mapungay ang mga mata ko. Matangos naman ang ilong ko. Cute ang labi ko at papartidahan ko ang lahat ng babae na kahit bagong gising ko titignan ako ni Shenald."

Muli pa niyang sinipat ang sarili. "Chloe," tawag niya sa sarili. "ang ga—"

"Kapal talaga ng mukha mo."

Nalingunan niya ang kaibigang si Ella. Nginisihan lamang niya ito bago na-upong muli sa stool na naroroon.

"Isa ka pa. Panira ka rin talaga ng trip."

"'Day. Masama na kasi ang tama mo," nanginigiting saad ng kaibigan. "buhat na buhat mo na ang bangko mo."

Inismiran lang niya ito bago ito tumawa at iyon ang inabutan ni Mitch.

"Anong meron?" anito ng makapasok.

"Itong bessie mo, OA sa pagbubuhat ng bangko."

Tignan tuloy siya ng kaibigan. "Bakit?"

"Anong bakit?" balik-tanong niya rito.

Pero sa halip na sagutin siya nito ay tinignan lang siya nito mula ulo hanggang paa. "Alam ko na kung bakit, Ella."

"Bakit?"

"Andyan na kasi si kuya. At tinitignan niya kung papansinin ulit siya ni kuya after nine years." Tsaka ito humalakhak na sinabayan na rin ni Ella.

"Insecure ka pa sa lagay na 'yan?" anang ni Ella. "Eh, bulag na lang ang lalaking hindi makakapansin sa'yo."

"Paanong hindi? Eh, ang baboy kaya niyan dati."

"I hate you, Bessie," aniya kay Mitch. "akala ko kakampi kita."

"Bakit totoo naman, ah."

"Hindi naman baboy. Chubby naman."

"Oo na." ani uli ni Mitch at sinumulang buksan ang baunan. "Uy, kain tayo."

Nanlaki ang mata niya ng makilala ang baunan na hawak ni Mitch. "Para sa kuya mo 'yan, ah!"

"Akin kaya 'to."

And true to her words. Hindi nga iyon ang pagkaing inihanda niya para sa kuya nito. Ang laman kasi niyon ay kanin at maling lang.

"Asan ang laman niyan?"

"Edi nasa baunan ni kuya," tila proud pang –saad ng kaibigan niya. kaya walang sabi-sabing niyakap niya ito.

"I love you, friend!"

"I know. Tomboy ka, eh," anito na ikinatawa na lang niya.

"Teka. 'Wag mong sabihing 'liligawan' mo uli ang kuya ni Mitch?" singit bigla ni Ella.

Napangiti siya sa sinabi nito habang napakamot naman sa ulo si Mitch.

"Friend, anong gusto mo? Ililibre kita. Napaka-bright mo kasi!" kinurot pa niya ang pisngi ni Ella na tila naguguluhan.

Pumalatak naman si Mitch. "Ang ingay mo kasi Ella,eh."

"Anong ako?"

"Nagkaroon lang naman iyan ng idea. Magpapapansin lang yata sana 'yan kaya lang ilang araw ng nagpapapansin, eh, hindi pa rin pinapansin at sa sinabi mo..." hindi na nito itinuloy ang sasabihin nito at tumingin na lamang sa kanya.

Napapangiti na lamang siya. Hindi tuloy niyamaiwasang maalala ang nakaraan.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon