Nagising ako mga 4 ng hapon. Naligo ako at nagbihis ng maong shorts at plain pink t-shirt lang.
Magccomputer na lang ako sa computer shop. Walang magawa dito eh. Mamaya pa daw uuwi ang mga pinsan ko sabi ni lola saken kanina. Gumala 'ata mga 'yun. Ewan ko.
Tulog pa si lola pagkababa ko ng sala. Infairness, naka headphone pa ah.
Lumabas na ko ng bahay at nagsimula ng maglakad papuntang computer shop.
'Di naman siya "masyadong" malayo. Sakto lang.--
Sa labas palang ako ng computer shop pero rinig na rinig ang boses ng mga nasa loob. Haiist. Ba't kasi ito nalang ang bukas na computer shop. Ang aga naman magsara ng iba. -,-
Pumasok ako sa loob at tumunog ang bell sa taas nito (para ibigay alam na may dumating na isang magandang dyosaXD charot). Bukod sa maingay, mainit din. No choice ako kaya pumasok nalang ako.
Pumunta ako don sa kuyang nagbabantay ng shop na 'to.
"Kuya, may available pa po?" tanong ko.
Tumingin siya sa harap kaharap niyang computer
"Wala na eh pero 'yung sa number 5. 30 minutes nalang"30 MINUTES! Ni "Lang" niya lang 'yun. Tagal pa kaya no'n. -,- no choice. Kailangan kong maging patient kahit ngayon lang para makapag computer ako.
"Ahh. Sige po"
Tumayo ako don sa bandang gilid. Wala ng upuan eh -,- Asa pa akong may gentleman. Parang salitang forever lang 'yun, wala ng ganun.
Don ako sa bandang likod ng tao na nasa number 5. Ewan ko ba kung sino 'yun, 'di naman kasi lumilingon eh. Busy sa kanyang pinapanuod sa Youtube.
Pinapanuod ko 'yung ibang nagddota. Ang ingay nila. Sige trashtalk pa. Parang nasa impyerno ako. Bakit ba ang daming naadik jan sa dota? Bakit parang ang saya nila? Ano bang meron jan? Ang daming tanong na pumasok sa isipan ko.
"Number 5, 5 minutes nalang. Extend pa ba?" sigaw ng kuyang nagbabantay don sa number 5.
Lmingon siya at saktong tumama ang mata namin.
O...M...G!
Si CHINITO GUY!! O.O
Anong ginagawa niya dito? Ba't andito siya?
Nagkatitigan kami saglit pero umiwas din siya ng tingin at lumingon don sa kuyang sumigaw kanina.
"Opo kuya. 30 more minutes po"
Huwaaat?! The fudge. Nahihirapan na nga ako maghintay dito eh tas mag extend pa siya. Aiish. Pasalamat siya crush ko siya.
30 more minutes. -,- Be patient Kaira. Be patient.
Dahil malapit lang ako kay Chinito Guy, alam ko kung ano ang ginagawa niya. Nag e-fb siya ngayon. Naalala ko na nag friend request ako sa kanya nong isang araw. Sana iaccept niya ako.
258 friend requests niya.
Wow! Peymous. Dami pala akong kaagaw sa kanya -,-
Kinlick niya 'yung friend request niya tas magsimula ng magconfirm. 'Yung iba naman iniiskip niya. Tumigil ang arrow sa name ko. Oh shemai! Sana iconfirm niya ako.
Pinikit ko ang mata ko at mag cross finger. "Sana iaccept niya ako" 'yan ang paulit ulit na sigaw ng utak ko.
Minulat ko ang mata ko.
What The F!!
Did he just press the ignore button!?⊙_⊙
Naiiyak ako. Feeling ko binusted ako.
Mabilis akong lumabas ng computeran. 'Di ko alam kong maiinis ako, malulungkot o ewan.
Sa lahat ng pwede iignore, ako pa talaga.
“Love can sometimes be magic. But magic can sometimes just be an illusion.”
-----------
Vote&Comment?^^-Youngmailove
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.