Chapter 37

75 6 6
                                    

"Mga anak mag dinner na kayo. Bukas na ulit kayo mag aral" tawag samin ni Manang.

Nag okay naman kaming lahat at niligpit na muna namin ang mga gamit namin. Pumunta na kami sa dining table para kumain.

"Wow! Sarap naman ng mga ulam dito. Sana dito nalang ako lagi" amazed na amazed na sabi ni Kurt pagkakita ng pagkain sa mesa.

"Waaah. Kimchi!" sigaw ng dalawang kambal at umupo sila tas nilagyan ng kimchi ang plato nila.

Umupo na din kaming lahat at nagsimula ng kumain. Nagkwentuhan lang sila at nagtawanan habang ako focus lang sa kinakain ko.

"Uy Kaira! Tahimik mo 'ata" pansin saken ni Janice. "Guys, magbigay naman kayo ng jokes or whatsoever para walang maoOP" sabi ni Janice sa lahat.

"Game!" sigaw ng lahat.

"Who's first?" tanong ni Janice.

Tumaas naman ng kamay si Jaydee na punong puno ng Kimchi ang bunganga.

Luh! Kaya nya 'yun? Ang anghang ng kimchi diba?

Nginuya ni Jaydee ang Kimchi at nilunok.

"Knock Knock" pagsisimula ni Jaydee.

"Sige pasok lang" biro ni Kurt.

"Manigas ka jan sa labas" -Kiro.

Napapout si Jaydee. (ΦωΦ) Ang cute niya.

"Seryoso naman guys" sabi ni Janice sa kanila. "Okay Jaydee, who's there?"

"Mayonnaise" -Jaydee.

"Mayonnaise who?" tanong naming lahat.

"My toes, mayonnaise, my shoulder, my head" -Jaydee.

Tumawa nalang kami ng pilit na tawa kahit 'di masyadong nakakatawa. Kawawa naman si Jaydee ehXD

"Paano hahatiin sa dalawa ang dagat?"- sumunod na si Kurt.

"Paano?" tanong naming lahat.

"Edi gumamit ng SEASAW" sagot agad ni Kurt atsaka tumawa.

'Yung iba loading ang utak kasi 'di gets pero natawa din naman nong nagets na.

Pagkatapos ng jokes ay pick up lines naman.

Nauna ulit si Jaydee.

"Hey Gelou Kim" tawag niya kay Gelou na tahimik na kumakain at nagbabasa ng libro. Tumingin naman si Gelou kay Jaydee. "Do you have any band aid?" tanong ni Jaydee kay Gelou.

"Umm none. Why?"

"Because I scraped my knee falling for you" banat ni Jaydee.

Napablush naman si Gelou kaya tinakpan niya ang mukha niya gamit ang binabasa niyang libro.

"Ms. Red" tawag ni Jayson kay Janice.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon