"Kaira, wala na ba kayo ni Jason?" tanong ng isa kong kaklase na si Michelle nong papasok na ko ng school.
"Huh? Umm.. Kami pa. Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Eh bakit nakita ko siyang may ibang kahalikan na babae don sa hallway?"
Nagulat ako sa sinabi niya at parang nasaktan narin.
"Ah g-ganun ba"
Dali dali akong pumasok ng school at hinanap si Jason na may kahalikan daw na ibang babae. Sh*t naman Jason. Nag away lang tayo, naghanap ka na kaagad ng iba. Ganun ba talaga kayong mga boys?
Ako nga pala si Kaira Soliven. Senior High School student. Tahimik (kung walang matinong kausap) maganda DAW, mabait sa mabait. Maldita minsan pero ginagamit sa tamang paraan ;)
Si Jason Dela Cruz, siya ang bf ko. Mag o-one year na kami pero laging nag aaway. Tulad ngayon, magkaaway kami dahil sa bestfriend ko na si Kiro. Ang sweet at mabait kasi si Kiro saken. Si Kiro 'yung tipo ng lalaki na pinapangarap ng halos lahat ng babae. Kung naiingit si Jason kay Kiro, ba't 'di niya gayahin 'yung ginagawa saken ni Kiro kaysa mag selos siya ng magselos, 'diba? -_-
May pagkacrush ako kay Kiro. Slight lang naman kasi syempre may bf na ako eh. Hindi naman ako timer. At tinatapos ko muna ang isang relasyon bago maghanap ng iba. Hindi naman kasi ako makati..
1st floor.. 2nd floor..
Two more steps at 3rd floor na. Dito daw kasi nakita ni Michelle na may kahalikan si Jason.
Parang kinakabahan ako o sadyang napagod lang kakatakbo paakyat ng hagdan.
Pa'no kung totoo ang sinabi ni Michelle? Anong gagawin ko?
Okay. Chill Kaira. Fighting! Kung totoo man 'yun. Just accept the fact na hindi talaga siya para sa'yo. Na hindi siya si Mr. Right mo. Na hindi siya ang love of your life. Na hindi siya ang icing sa ibabaw ng cupcake mo (kasi wala ka namang cupcake)
Here I am na sa 3rd Floor. Pinikit ko muna ang aking mata at huminga ng malalim. Pagkatapos non, minulat ko na muli ang mata ko.
Pagka mulat ko, bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. T-tama nga ang sinabi ni Michelle.
Kitang kita ko sa aking mga mata na enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa.
Ang sakit.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa taas para mapigilan ang aking luha na malapit ng tumulo.
No need to cry now Kaira. 'Wag mong ipakita sa kanya na nasasaktan ka. 'Di siya kawalan. Hindi naman ikaw ang nawalan kundi siya.
Naglakad ako palapit sa kanila at tumikhim. Mabilis naman na humiwalay ang kanilang mga labi at tiningnan ako. Nakakatawa ang kanilang mga mukha dahil sa pag kagulat.

BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.