Dug dug, dug dug.
'Yung heart ko!!
Binabawi ko na, mas malala pa pala 'to kesa sa Dare.
I'm speechless. Ano bang sasabihin ko?
All eyes are at me while they were all waiting for my answer.
"Silence means yes" most of them said.
"Um mahal agad? 'Di ba pwedeng crush lang muna" sagot ko.
Umaasa pa naman ako na palitan niya ang tanong niya kaso hindi eh. Ang kulit nila.
Natawa naman sila.
"Can I have another turn?" tanong ni Kyle sa lahat.
Pumayag naman silang lahat at tuwang tuwa pa ah.
"Kaira.."
I cut him off. "Teka! Ang daya. 'Di mo pa nga na spin 'yung bote eh. Paano kung 'di saken nakaturo? Ang daya. 'Wag ganyan. Bad 'yan"reklamo ko. Natataranta na ako kasi baka kung ano ang next itatanong.
"Okay lang 'yan" they all answered.
Nakakainis na ah.
"Kaira, 'pag nanligaw ba ako sa'yo, may pag asa ba?" seryosong tanong ni Kyle.
Waaah! Get me out of here. Mag eexplode na 'yung heart ko.
"C.R lang ako" Jayson said at tumayo.
"Nado. Uli hyeongje gidalibnida." (Same. Wait for us brother) sabi ng kambal at sinundan si Jayson.
"May kukunin lang ako sa taas" excuse naman ni Kiro at tumayo din tas umalis.
"Inom lang ako" excuse din ni Janice at tumayo na din.
"Kurt" mahinang sabi ni Janice at sinipa si Kurt.
"Ano ba?" inis na tanong ni Kurt.
"Ugh!" halatang naasar na si Janice kaya piningot niya si Kurt sa tenga. Grabe talaga 'tong Janice na 'to. Sadista masyado. Sa akin lang sya hindi ganyan. Subukan niya lang gawin.
Pareho na silang umalis ni Janice at sumunod narin sila Gelou at Julieta.
"The game's over. Bbye" tatayo na sana ako kaso hinila ako ni Kyle at napaupo muli ako sa sahig.
"'Di mo pa sinasagot ang tanong ko" sabi niya.
"It's just a game. Atsaka, tapos na 'yun. Nagsialisan na nga sila eh"
"Just answer my question, please" he begged.
Tinitigan ko siya at napakagat ako ng labi.
"I've been waiting for so long Kaira, para sabihin 'to sa'yo. 'Di ko lang masabi sabi sa'yo kasi natotorpe ako"
"Pfft. Nagbibiro ka ba Kyle?"
"Do I look like I'm joking?" seryoso niyang sabi.
Hala! Bakit pa kasi kami naglaro ng Truth or Dare eh. Sana 'di nalang ako sumali.
"Dami mo kayang babae. Ayoko na maging isa sa collection mo"
"Anong pinagsasabi mo? Wala pa nga akong gf eh" he poked me on my forehead.
"Eh sino 'yung kasama mong babae sa computer shop dati? At 'diba nililigawan mo si Janice?"
Inisip niya muna 'yun at binalik ang tingin saken.
"Pinsan ko 'yung kasama kong babae sa computer shop at hindi ko nililigawan si Janice"
"Weh? Ba't sabi ni Kurt, 'Janice, pwede daw bang manligaw si Kyle?'"
Natawa si Kyle. "Are you jealous?" tanong niya.
"Just answer my question"
"Fine" he shrugged.
Kyle POV:Flashback:
"Brad, si Kaira oh" turo ni Kurt sa isang mesa kung saan magkasama si Janice, Kiro at Kaira. "Tara punta tayo don"
Sinundan ko nalang si Kurt. Gusto ko naman. Malamang, don 'yung crush ko eh.
Oo, crush ko 'yan si Kaira dati pa. Masaya nga ako nong nagbreak sila Jayson. Ang kaso, natotorpe ako at 'di ko kayang lapitan si Kaira kaya nakipagkaibigan kami ni Kurt kay Janice para magpatulong.
"Hi" bati ni Kurt sa kanila.
Mukhang hindi naman masaya si Kaira nong nakita kami. :/
Bakit kaya?
"Kyle! Kurt!" tinanggal ni Janice ang earphone niya at tumingin sa amin.
"I gotta go. See you guys later." tumayo si Kiro. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ni Kaira at ginulo ang buhok niya.
"Epal 'to" pinalo siya ni Kaira sa kamay at napatawa naman si Kiro.
"Brad." tinapik tapik ako ni Kiro sa balikat. Alam niya kasi na may gusto ako kay Kaira. Tropa kami eh. Nginitian ko lang siya at umalis na si Kiro.
Kita kong kinuha ni Kaira ang phone niya at ewan ko kung anong ginagawa.
"Janice, may tatanong lang daw si Kyle" nagulat ako ng nagsalita si Kurt atsaka ano nanaman kaya ang sasabihin ng loko lokong 'to. Wala naman ako sinabing itanong kay Janice ah.
"Ano 'yun?" tanong ni Janice.
"Pwede daw bang manligaw si Kyle?"
Loko talaga 'to oh. Humanda 'to saken mamaya. Pasalamat siya andito si Kaira.
Napatingin samin si Kaira at biglang tumayo.
Kita ko sa mata niya na parang nasasaktan siya.
Umalis na siya. :(
"May nagselos" sabi ni Janice at tumawa silang dalawa ni Kurt.
Totoo bang nagselos si Kaira?
"Iba kasi ang sasabihin ko. Itatanong ko sana kung pwede bang manligaw si Kyle sa bestfriend mo?" -Kurt.
"Sure" sagot naman agad ni Janice.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.