Chapter 21

72 5 0
                                    

"Manang, I'm home" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay.

Phew. What a tiring day.

Nilapag ko sa daybed ang bag ko at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig.

Bumalik ako sa sala at umupo sa daybed tapos binuksan ang TV.

"Oh anak, dito ka na pala. Kamusta school?" tanong ni Manang.

"It's fine" bored kong sagot. Actually, it's not really fine.

"Tumawag nga pala dito 'yung bestfriend mong si Janice. 'Di mo daw kasi sinasagot 'yung phone mo. May nangyare ba anak?"

"I gotta go in my room now. I have tons of homework pa eh" pag iiwas ko sa tanong ni Manang.

Alam naman ni manang na wala ako sa mood kaya hinayaan niya nalang ako.

Kinuha ko na ang bag ko at umakyat sa kwarto ko.

Sa pinto palang ako ng kwarto ko ng nakaamoy ako ng isang mabangong amoy. It smell like....

"Flowers?!" sabi ko nang pagkakita ko ng isang bouquet ng bulaklak sa bed ko.

Dali dali akong bumaba ng hagdan at hinanap si Manang.

Nakita ko siya sa kitchen, nagluluto.

"Manang. Sino po nagpadala ng bulaklak..."

'Di na ako pinatapos ni manang magsalita. "Ah. Oo nga pala. May driver na pumunta dito kanina at dala 'yung bouquet ng bulaklak na 'yun. Ipinapabigay daw ng anak ng amo niya 'ata 'yun"

"Sino daw po?" tanong ko.

"Ewan ko eh. Ayaw naman kasi sabihin ng driver na 'yun. Basta from your secret admirer daw"

"Ah sige po"

Bumalik na ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang nagsisigandahang iba't ibang klase ng bulaklak.

Wala man lang nakalagay kung kanino galing. Papasalamatan ko pa sana.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Kiro calling...

Eh? Am I dreaming.

"Hello?"

/Hey Kaira. Wassup?" -Kiro

"Ba't ka napatawag?" tanong ko. Once in a bluemoon lang kasi 'to 'pag tumawag. Mas gugustuhin niya kasi na sa personal kami nag uusap o kaya text/chat. Pero ngayon, nakapagtataka lang talaga.

/Ay masama ba? Nakapagtatampo naman"

"Ang drama mo. Promise"

Napatawa naman siya.

/By the way, natanggap mo ba 'yung bulaklak."

"Teka! Ikaw ba nagpadala non"

/Bakit? Tinapon mo?

"No. Ofcourse not"

/Good. Do you like it?"

"I don't LIKE it. I LOVE it"

/Sure?"

"Oo naman"

/Good."

"Uy. Sagutin mo naman tanong ko. Ikaw ba nagpadala non?"

/I gotta hang up now Kaira. My moms already calling me for dinner. See you tomorrow."

"Wait lang."

Aiish. Wala na. Binabaan na nga ako. -,- Bastos na bata.

Ang weird non. Tinawag daw siya ng mom nya for dinner? Eh sa pagkakaalam ko, sa trabaho pa 'yung mom niya sa ganitong oras eh. Lokong 'yun.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon