Pumasok na ko sa McDo.
Nakita ko naman agad si Janice kasi kumaway siya saken.
Sino kaya 'yung dalawa niyang kasamang lalaki?
Lumapit ako sa kanila.
As I go near them, napansin ko ang isang lalaki.
Si Kyle at 'yung isa naman ay kaibigan niya. Nakita ko siya sa canteen kasama si Kylle.
"Bestiieee, thank goodness dumating ka" niyakap ako ni Janice at umupo na kami.
Katabi ko si Janice at kaharap si Kyle.
"Bestie, si Kyle and Kurt nga pala. Ang guys, this is my friend, Kaira" pagpapakilala samin ni Janice.
Nag ngitian lang kaming lahat.
Makipag shake hands pa sana si Kurt kaso binaba din agad ito nang 'di ko 'yun pinansin.
"Teka lang guys ah, order lang ako. Ano ba gusto niyo?" tanong ni Janice at umalis din pagkatapos namin sabihin ang gustong iorder.
So, it's just me, Kyle and Kurt.
Sinalpak ko sa magkabila kong tenga ang earphone ko at nakinig ng music habang nagbabasa ng libro sa wattpad.
"Ilang taon ka na Kaira?" tanong ni Kurt. 'Di naman kasi masyadong malakas ang music ko kaya naririnig ko siya.
'Di ko sya pinansin at patuloy lang sa pagbabasa.
"Famous ka siguro 'no. Ganda mo kasi"
'Di ko parin siya pinansin.
"May bf ka na ba? Taga saan ka? 'Pag may nanligaw ba sa'yo, sasagutin mo?"
Nairita ako dahil ang dami niyang tanong. Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko.
"Wala akong bf. Bakit may irereto ka ba saken? I live somewhere na malayo sa isang maingay na katulad mo. And lastly, that depends on my decision. Ano? May itatanong ka pa? Jeez. Are you my stalker?" I rolled mag eyes at him at sinalpak ulit sa tenga ko ang earphone.
"Maldita pre" narinig kong sabi ni Kurt kay Kyle.
Napatawa naman si Kyle at sinabing "Baliw ka kasi. Ba't mo sinunod sunod ang tanong?"
"Ayaw kasi sumagot pre"
~~~
A/N:
Heeyyyy! I'm back ulit. May new phone na ako kaya sinipag mag UD si author kahit short lang. (v^_^)vSalaMUCH sa lahat ng nag Vote at patuloy na nagbabasa. (๑^ں^๑) I'm sooo very happy. Sobrang salamuch.. :*
♡Youngmailove
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.