Chapter 42

50 4 0
                                    

Kaira POV:

"Ah" 'yan lang ang tanging sagot ko pagkatapos magkwento saken ni Kyle.

Puro akala kasi ako. Mali naman pala. Pero atleast masaya ako kasi wala palang gf si Kyle nor nililigawan.

"Selos ka noh" he said.

"'Di kaya" deny ko.

"Sus. So ano, pwede ba?"

"Pwedeng ano?" kunwari 'di ko alam.

Nginitian ako ni Kyle "I'll give you some time to think" tumayo na sya at umalis.

~~~

That night, I can't sleep. Puro pumapasok kasi sa isip ko ay si Kyle eh. I just can't believe sa sinabi niya saken. Siya? Manliligaw? 'Di nga?

Bumangon ako at dahan dahang lumabas ng girls room kahit may pagka madilim.

Nauuhaw ako kaya pumunta ako sa kitchen.

Kumuha ako ng tubig sa ref at pumunta sa terrace para tingnan ang mga bituin.

May lalaking nakatayo don sa terrace.

Ba't kaya gising pa si Kyle?

Uminom ako ng tubig at tumingin sa mga bituin. Ang ganda nila tingnan.

"Ba't gising ka pa?"nakangiting humarap saken si Kyle.

"'Di ako makatulog eh. Ikaw?" sagot ko.

"Ganun din" tumingin siya sa kalangitan at ginaya ko din sya.

"Ang ganda ng mga bituin noh" sabi ko.

Nakangiting tumango naman siya.

Nagkwentuhan kami ng ilang minuto or maybe hours. Parang forever na kasi kaming nagkkwentuhan at nagtatawanan.

"'Di ka pa ba naantok?" he asked.

"Naantok na nga eh" I yawned.

"Tara, tulog na tayo" yaya niya saken.

Tumango ako.

Tumalikod siya para pumasok sa loob, pero hinawakan ko siya sa kamay para pigilan.

Hinarap niya naman ako.

"Umm.." I swallowed "..Kyle.."

Tinitigan niya lang ako habang hinihintay ang sasabihin ko.

Tama kaya 'tong gagawin ko?

"Payag na ako"

"Payag? Saan?" tanong niya.

"Umm..na ligawan ako"

Binigyan niya ako ng malapad na ngiti "Talaga?!"

"Ayaw mo?" I joked.

"Syempre gusto" sagot niya at niyakap ako.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon