Chapter 29

61 5 0
                                    

Janice POV:

Tapos na ang klase at dito ako ngayon sa mall. Nagbihis muna ako syempre sa c.r ng white pants at mint green hang in blouse. I don't wanna go around with me wearing a uniform.

Kakatapos ko lang magshopping kaya pumasok muna ako sa isang seven-eleven para bumili ng makakain. Gutom na 'ata ako kaya sumasakit ang tiyan ko. Haiist.

Buti naman at pumayag na kanina si Kaira don sa project thingy. Pabebe pa eh noh pero 'pag si Kiro ang lumapit. Tsk. Tsk.

May plano ako para sa proyektong iyon kaya excited ako for the first time. Ngayon nga lang ako nagaganahan gumawa ng project eh.

Ikot lang ako ng ikot habang pumipili ng pwedeng bilhin at kainin dito sa seven-eleven nang nararamdaman kong may sunod ng sunod sa likuran ko. Baka mamaya bigla nalang ako nanakawan nito. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga dala kong bag. Sayang naman 'yung mga binili ko 'diba kung nanakawin lang. Haler. Effort ni mama sa trabaho 'yung perang pinambili ko para sa mga gamit na ito tapos mapupunta lang sa wala. 'Wag ganun.

Patuloy parin akong sinusundan ng kung sino man ang halimaw na nasa likod ko na iyon.

Tumigil ako at nilingon siya. Ano? Huli ka kuya.

Infairness pogi siya. Kaso sayang naman ang pogi niyang mukha kung magnanakaw lang.

Ang gwapo ng porma niya, ninakaw niya kaya ang mga 'yan?

"Baka matunaw ako miss. Sobra na ba akong gwapo para titigan mo ng ganyan" ang yabang. Nakakainis.

"Sana nga matunaw ka ngayon na. And why do you keep on following me you thief?"

"Whoa whoa. Dahan dahan lang sa pananalita mo miss. Sa mukha kong 'to, mukha ba akong magnanakaw?"

Oo, magnanakaw ng puso. JokeXD

Teka! Masungit nga ako 'diba.

"Bakit kanina ka pa buntot ng buntot saken? Alam ko naman na diyosa ako eh pero ayoko na may sumusunod na kapre saken"

"Diyosa? Saan banda? Mukha ka ngang manananggal eh"

Aba! Aba! Sumosobra na 'tong lalaking 'to ah. >,<

"Pwede ba, tapusin na natin ang usapang 'to. 'Di naman kita kilala. Just answer my question, ba't ka sunod ng sunod saken?"

"Blood" turo niya sa white pants ko.

Tiningnan ko naman ito.

"'Wag mo nga akong lokohin Mr. Stranger" inis kong sabi sa kanya nong wala naman akong nakita.

"Akala ko pagong lang ang slow, ikaw din pala" may pailing iling pa siyang nalalaman.

"Ewan ko sa'yo. Jan ka na nga." Iniwan ko siya at humanap ulit ng makakain.

Dried mango nalang kaya.

Kukuha na sana ako ng isang balot ng dried mango nang may humawak sa kamay ko at binigyan ako ng napkin. o.O

Eh???????

Hinarap ko siya, si Mr. Stranger.

"Anong gagawin ko dito?" I asked confused.

"Kainin? Malay ko. Ano bang ginagawa ng mga babae jan?" he rolled his eyes at me at dahan dahang naglakad palayo saken.

Ano bang problema no'n?

Blood! Blood! Blood! Blood!

Paulit ulit pumasok sa utak ko 'yun.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin sa taas at tiningnan ko ang likod ko don pababa..at..at..

Oh no!! o.O

RED DAYS KO NGAYON!!!!!!

Waaah. Puson ko pala ang masakit kanina, hindi 'yung tiyan ko. Asdfghjkl.

Hindi pa masyadong malayo si Mr. Stranger saken kaya hinila ko siya. Hinarap ko siya saken. Feeling ko namumula ako pero I don't care. I need his help.

"H-help me" mahina kong pagmamakaawa sa kanya.

"Pagkatapos mo kong sungitan, I don't think so"

"Pleaassseee" pagmamakaawa ko. Ginawa ko na 'ata ang lahat para pumayag lang siya. Nagpout pa ako.

"No"

Waaaah!

"Ano bang gusto mong gawin ko?" TT^TT

"I want to hear your sorry"

"Kasalanan mo naman eh, kasi ang yabang mo. At 'pag sinabi mo agad, edi sana hindi na tayo nag away"

"So, kasalanan ko pala ah. Okay" he smirked at tumalikod para umalis.

Huhu. May parating na tao.

"Sorry" mahina kong sabi pero sakto lang para marinig niya 'yun.

Tumigil siya kakalakad. "Can't hear yah"

May gana pa siyang mag bingi- bingian. Tsk. Palapit ng palapit 'yung tao oh.

Kasalanan 'to ng hang-in blouse ko. Kasalan 'to ng white pants ko. Kasalanan 'to ni..urgh..

"Sorry" malakas kong sabi. Ayan, baka hindi pa niya narinig 'yun ah. Baka gusto niya ipacheck up ko pa tenga niya mamaya. Haiist.

Hinubad niya ang jacket niya at binigay saken.

I tied it around my waist at hindi na kita ang pula sa pants ko.

Pumunta ako sa counter at binayaran ang napkin na binigay saken ni Mr. Stranger.

Lumabas na kami ng seven-eleven at pumasok sa McDo. Parang kakain eh noh. Mag ccR lang namanXD

Pumasok na ako sa CR. Buti nalang at walang pila.

Nagpalit narin ako ng pants.

♡♥♡

"You wasted a lot of my time" panenermon saken ni Mr. Stranger pagkalabas namin ng mall. Itreat ko sana siya kumain kaso ayaw niya daw kumain kasama ang witch na katulad ko. Nakakainis. Siya na nga 'tong tinitreat eh.

"Sorry naman po. BTW, here's your jacket" abot ko sa kanya ng jacket niya.

"No. Sa'yo na 'yan. It has your germs"

"Ang arte mo. Bilhan nalang kita" offer ko sa kanya.

"No need" sagot niya at nagsimula ng naglakad palayo.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon