From: 09157654321
Hi :)Eh? Sino 'to?
Matawagan nga. Tinatamad ako magtype eh.
Calling 09157654321...
Ang tagal. Ba't ayaw niyang sagutin? -_-
From: 09157654321
Don't CallAy! Nosebleed.
To: 09157654321
Why? Who are you ba?From: 09157654321
Jay. You?Jay? Sinong Jay? Eych, Ai, Jay? Kay, El, Em?
To: 09157654321
Loading...From: 09157654321
??Sino ba 'to? Sa sobrang bored ko kakaisip ng Jay na name ay nagsearch nalang ako sa FB ng Jay na name.
To: 09157654321
Jay Manalo?Trip ko lang. Malay ko naman nohXD
From: 09157654321
No? Mas pogi pa ako don.Nagtatagalog naman pala 'to. Pinanosebleed pa ko.
To: 09157654321
Wow. Yabang ha. Ano ba FB name mo at makita ko naman ang mukha mo KUNG pogi nga.From: 09157654321
I don't show my face to strangers.To: 09157654321
Wooooow. Stranger? Ikaw nga 'tong alien na unang nagtext saken.Kainis!
From: 09157654321
Hahaha'Di ko na nireplyan. Ang aga aga eh binibeastmode ako.
Naligo na ako at nagbihis. Kakain daw kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Amici Restaurant. Manlilibre daw si Kyle dahil sila na ni Kaira. Oh 'diba! Parang kailan lang nagkakahiyaan pa 'yung dalawa, ngayon, sila na.
Lumabas na ko ng kwarto at saktong nagkasalubungan kami ng witch kong kapatid. -_-
"Saan ka nanaman pupunta?" tanong niya saken pagkakitang bihis na bihis ako.
Winalk outan ko nalang siya. Sesermonan nanaman ako niyan eh. Feeling nanay -_-
"Bastos ka talaga kahit kailan. 'Di mo ba nakikitang kinakausap kita" sunod niya saken
I stopped "Bastos nakahubad, special nakatuwad" sabi ko sa kanya. Sarap niya kayang asarinXD
Bumaba na ko ng hagdan pero sunod parin siya ng sunod. Parang aso.
"Magsaing ka na don. Anong oras na oh! Inuuna mo pa 'yung paglalandi"
Yes! Nakaabot na din sa baba.
Ooh. Ba't may lalaki dito.
"Malandi? Coming from you? Eh ikaw nga 'tong nagdadala ng MGA lalaki dito sa bahay 'pag wala sila mama't papa eh" hinarap ko siya "And by the way, sa labas ako kakain. Kaya bahala ka na dito YAYA" I flipped my hair and naglakad papuntang pintuan bago pa ako masabunutan ng babaeng un.
"Hi" bati saken ng lalaki pagkadaan ko sa harap niya.
"Hello" I smiled sweetly at him.
"I'm RJ, and you are?" inabot niya ang kamay niya pero 'di ko inabot 'yung akin.
"Janice" simple kong sagot at nagbbye na tas tuluyan ng lumabas ng pintuan.
"Ang ganda pala ng kapatid mo Jess. 'Di mo man lang kinukwento saken" rinig kong sabi ni RJ sa kapatid ko.
Umalis na ako bago ko pa marinig ang susunod na mangyari.
I'm sure mag bbreak na ang dalawang 'yun. Mwahaha>:D
That's Jessah Mae Gonzalez. My sister, my enemy. Malandi, like me. Let's be honest nalang. Nong bata pa kami, super close kami. But now, everything changed. Lagi na niya akong pinapagalitan hanggang nainis na din ako sa kanya. And now, we're enemy's.
Isa lang ang alam ko kung bakit ganyan na siya saken.'Pag ikukumpara kaming dalawa, mas maganda ako sa kanya. 'Yan ang sabi nila.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.