Chapter 58

13 0 0
                                    

"Sis, asan si Zian?" hingal na hingal na tanong ni Jessah sa akin. Actually I'm on my way home galing sa airport. Hinatid lang si Zian.

"Wait what?" kunwari nilinis ko ang tenga ko gamit ang daliri ko. Tama ba ang narinig ko? Ang witch kong kapatid, tawag na sa akin ngayon ay sis. Okay? That's weird.

"Sabi ko, SIS, asan si Zian?" ulit niya at diniinan pa 'yung word na sis.

"Naka drugs ka ba?" pabiro kong bulong sa kanya.

Pinalo niya ko sa braso ko.

"Aray ha! Hindi masakit"

"Edi isa pa" pinalo niya ulit ako sa braso.

"Ano trip mo?" tanong ko.

"Wala naman. Sagutin mo na kasi tanong ko" pout nya. EewXD

"'Bat ko naman sasagutin tanong mo? Close ba tayo?" baka nag babaitbaitan lang 'to noh.

"Sorry na kasi" hinug niya ako.

"Luh luh luh. Ano nakain mo? May sakit ka ba?" ba't bigla biglang nag sorry 'to?

"Sorry kung 'di ako naging mabuting ate sa'yo. Ginawa ko lang naman 'yun kasi...kasi kasalanan mo lahat eh"

"Lumayo ka nga" tinulak ko siya sa pagkayakap. "Magsosorry ka na nga lang, naninisi ka pa"

Nag peace sign naman siya saken habang nakalabas 'yung dila.

"I'm just insecure" buntong hininga niya.

"I know. Maganda kasi ako"

"Oh? Sa'n banda" pambabasag niya saken.

"K. Bye" kunwaring alis ko pero hinawakan niya ako sa braso at niyakap muli.

Haay. I miss this. Namiss ko lahat ng kakulitan namin. 'Yung asaran namin and everything.

"Sorry kung naiinsecure ako. Kasi naman.. oo na, maganda ka na. Kaya halos lahat ng bf o manliligaw ko, naglalaway 'pag nakita ka. Ikaw lagi pinupuri ng mga tao. 'Pag ikinukumpara ka saken, lagi nilang sinasabi na mas maganda ka."

Kumawala ako sa pagkayakap niya.

"I know all of that. Halata naman eh. Pero 'di ako naniniwala sa sinasabi nila kasi naniniwala ako na mas maganda ka saken. Since bata pa tayo, idol na kaya kita. Kinukuha ko nga ang mga damit mo sa closet mo eh at tinatago iyon" natawa ako habang naalala 'yun.

"Ahh. Kaya pala nagtataka ako kung bakit parang nababawasan ang mga damit ko. 'Yun pala tinangay mo na."

Natawa ako at nagpeace sign sa kanya.

"'Pano kasi, mabubulok na sa closet mo, 'di mo parin sinusuot kaya ako nalang. Hehe"

"Alam mo namang 'di ako mahilig sa mga ganung klaseng damit eh. Sa mga off shoulder, crop top, tube o kung ano mang alien na damit na 'yan. Bili kasi ng bili si mama kahit 'di ko naman sinusuot. Nakakahiya kaya" pagpapaliwanag niya.

"Taong bundok ka talaga. Hanggang tshirt at long sleeve ka lang kasi na wala man lang kadesign design. Wala ka man lang taste sa fashion"

Half kabaliktaran ko si ate. Ako, mahilig ako sa mga damit na fit, off shoulder, labas pusod o kung ano ano pang damit na uso ngayon. Maarte ako sa pagpili ng damit ko. Samantalang siya, simpleng tshirt o longsleeve. Ni hindi nga mahilig sa short shorts. Hindi rin siya mahilig mag make up, unlike me. Kaya 'di ako agree sa sinasabi ng iba na mas maganda daw ako. Kasi ako, lagi nakamake up habang si ate, real beauty tas siya pa 'tong naiinggit sa akin. Kaloka 'diba?

"Kaya siguro wala tumatagal saken dahil 'di ako marunong mag ayos sa sarili ko" malungkot niyang sabi.

"Paanong walang tatagal, eh ikaw nga 'tong nakikipagbreak" matawa tawa kong sabi.

"Paano kasi, kahit ako 'yung kaharap nila, sa iba naman sila tumitingin" reklamo niya.

"Matuto ka kasing mag ayos"

"Why do I have 'to?"

"Ay hanep, nag English" putol ko sa kanya.

"Ayos ba?" tanong niya. Tumawa naman ako at tumango.

"Seryoso na. Bakit kailangan ko pang mag ayos 'diba? Ang tunay na love naman, hindi sa mukha eh. Tsaka gusto ko ng taong mamahalin ako kahit ano o sino man ako"

"Katulad ni Zian?" Balita ko kasi, nililgawan siya ni Zian.

Nakangiting tumango naman siya tas maya maya lang ay biglang lumaki ang mga mata niya.

Anyare?

"Speaking of Zian, ASAN NA SIYAAAAAA?" Panic niya.

"Airport" simple kong sagot.

"HUUUUUHHH?"

"Bingi teh?"

"Ba't 'di mo sinabi agaaaaddd" pinalo palo niya ko sa braso.

Natawa naman ako. Para siyang bata. "Chill. Meron ka pang.." tinignan ko 'yung oras sa cellphone ko. ".. 16 minutes upang pigilan siya"

"WHAAAAATTT?" Lumaki nanaman ang mata niya.

"Go na. Habulin mo na ang forever mo. Baka maabutan mo pa"

"Waaah! Thanks sis." hinalikan niya ko pisngi at tumakbo paalis. "Love yahh" rinig kong huling sabi niya bago pa siya makalayo,

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon