We have 3 days nalang bago ipasa ang project and here na us, shinoshoot na 'yung ending ng story. Ang ending na aamin na si Kyle saken at ang ending na hahalikan na niya ako. Waah!
"Kaira, 'di na ako mapakali sa aking nararamdaman kaya andito ako ngayon sa iyong harapan para umamin" Ang corny naman ng ginawang script pero napatitig lang ako kay Kyle habang sinasabi niya ang linya niya "Gusto kita Kaira, noon pa man" dug dug, dug dug. Waaah! 'Yung heart ko. "Nahihiya lang akong umamin sa'yo kasi maganda ka, mabait at matalino. Sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla , nasa'yo na ang lahat. Ako ba Kaira ay gusto mo din?"
Tapos na ang linya ni Kyle kaya ako naman na ang next. Goodluck to me.
"Kyle, wala pa saken ang lahat dahil kulang pa ako kung walang ikaw" rinig kong kinikilig ang mga tao sa paligid namin. "At hindi kita gusto, dahil mahal na mahal na kita noon pa man din"
Niyakap ako ni Kyle pagkatapos ng linya ko.
Pagkahiwalay ng yakap namin ay hinawakan ni Kyle ang pisngi ko.
Omo! Ito na.
Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya saken at napapikit ako.
Feeling ko 'yung heart ko ay sasabog na.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.