Chapter 31

75 6 19
                                    

A/N: Dedicated sa'yo dimpleInfinite dahil ilang araw mo ng hinihintay ang chapter na 'to :*

×××

"Hala Kaira, wala pa pala tayong nagagawang script" sabi ni Janice saken nong nasa classroom na kami at hinihintay ang first subject teacher.

"We can help you" may lumapit saming dalawang babae. Tiningnan namin sila. Si Julieta Española at 'yung isang busy sa kakabasa ng libro naman ay si Gelou Kim. Half Korean daw siya narinig ko lang sa mga classmates ko.

Sila ang classmate namin na tahimik lang sa classroom kaya 'di sila masyadong pinapansin sa room. Pinapansin lang sila 'pag may kailangan. Ganyan ang mga classmates ko eh.

"Oh hey" bati sa kanila ni Janice.
"Umm pwede ba kaming sumali sa grupo niyo kung 'di pa kayo kumpleto?" tanong ni Julieta.

"Sure" sagot agad ni Janice.

"Waah. Thank you" niyakap ni Julieta si Janice at yayakapin narin sana ako kaso inunahan ko siya ng salitang..
"Sorry. I don't do hugs" at nginitian ko lang siya.

"Oh sorry" -Julieta.

"Pagpasensyahan mo na 'yang bestfriend ko ah. Masungit talaga 'yan eh" -Janice.

Tumawa naman si Julieta.

"Masungit pero atleast diyosa" sumingit na sa usapan si Gelou na kakasarado lang ng binasa niyang libro.

"Ahw. Salamat bebe. Ikaw palang tumawag saken niyan" tumayo ako at niyakap si Gelou ng ilang segundo lang.

"Kakasabi mo lang na I don't do hugs tas ngayon..."

I put my point finger on Janice mouth to shushed her.

"Kasi tinawag ako ni Gelou Kim na diyosa and I know na she's telling the truth that's why I hugged her"

Janice just rolled her eyes at me. Alam kong ayaw nya makipagtalo saken kasi lagi talaga siyang natatalo sakenXD

"So, how can you guys help us?" tanong ni Janice sa dalawa.

"We can make the script" suggest ni Gelou.

"Yeah. We made good stories in Wattpad" agree ni Julieta.

"Talaga?" Janice was amazed.

Tumango naman ang dalawa.

"Anong story ba? Romance, Horror or Comedy?" tanong ni Julieta.

"Romance" mabilis na sagot ni Janice at may binulong pa ito kay Julieta na ikinangiti naman nito.

Ba't kailangan pang ibulong?

"Sige. Bukas namin ibigay sa inyo ang script. Pagkatapos naming sulatin ni Gelou"

Nag agree naman kami at bumalik na sila sa kanilang upuan kasi dumating na ang teacher namin.

---
A/N

Thanks po sa nagFlood votes sa story na 'to. Lovelots. :*

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon