/Ano 'yung pinaka hate mong prutas?
"Pineapple"
/Huh? Bakit naman? Ang sarap kaya non.
"Kasi allergic ako sa pinya eh"
/Ahh kaya pala.
"Yup"
Remember 'yung Jay na nagtext saken, siya 'yung kausap ko ngayon.
It's been a month ng magkilala kami. Ngayon, parang magkaibigan na kami.
Hanggang text at tawag lang kami kasi wala naman daw siyang FB, Skype or anything para man lang makita ko ang mukha niya. Napakamisteryoso masyado eh noh. I like him kasi his funny and I like his voice. Napakalambing. Unting unti nalang at maffall na ako sa kanya. I've changed narin. Hindi na ako 'yung dating Janice na sinasabi nilang malandi. 'Yung dating Janice na playgirl is already gone. It's because of him. Sabi niya kasi 'pag ipinagpatuloy ko daw ang pagiging playgirl ko, hindi niya daw talaga ipakita ang mukha niya. Kunwari ngayon dapat kami magkikita, dadagdagan niya pa daw ng 2 months ang pagkikita namin.
Nakayanan ko naman na hindi magkaroon ng bf. I think it's beacause focus na ako kay Jay. Feeling ko, naffall na talaga ako sa kanya. I never felt like this before. Jay changed may life.
Ilang araw nalang at magkikita narin kami.
"Jay?"
/Hmm?
"Kantahan mo ulit ako please"
Ang ganda kaya ng boses niyang si Jay. Nakakainlove sobra.
/Paano kung ayoko?
"K" kunwari magtatampo ako para pumayagXD
/Pilitin mo muna ako.
"Pabebe mo masyado Jay. Alam mo 'yun"
/Pogi naman.
"Isa pa. Ang yabang mo din"
Natawa naman siya.
"Sige na kasi" pamimilit ko sa kanya.
/Sige na nga. Anong kanta?
"'Yung lagi mong kinakanta saken"
/Nanaman? Hindi ka ba nagsasawa don?
"Hindi. Sige na please"
/Okay. Here it goes.
Korean ang kinakanta niya. Kahit 'di ko man 'yun maintindihan, napakalambing ng tono. Haay.
Sana magkita na kami para makanta na niya saken ng tagalog ang kanta na 'yan.
Humiga ako sa kama ko at pinapakinggan ang kanta niya.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.