I was watching something in YouTube nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Janice calling..
'Di ko sinagot.
Naka 10 missed call sya saken pero hinahayaan ko lang.
Knock knock!
"Kaira, anak" tawag saken ni Manang sa labas ng kwarto.
"Po?" sagot ko.
"May tawag ka sa telepono"
"Sino daw po?"
"'Yung pinakamagandang diyosa daw sa entire universe" narinig ko pang tumawa si Manang pagkasabi non.
Parang alam ko na kung sino 'yun ah.
'Di talaga siya tumitigil.
Bumaba ako at sinagot ang telepono.
"Wew? Maganda ka?" 'Yan agad ang sinabi ko pagkasagot ng telepono.
Tumawa naman ang sa kabilang linya.
/Is that how say hello?
"Hoy Janice! Ano ba problema mo? Kanina ka pa tawag ng tawag ah."
/Malamang sa alamang kasi kanina mo pang hindi sinasagot ang phone mo.
"I'm busy" excuse ko.
/Are you mad at me?
"No"
/Wehhh?
"May sasabihin ka pa, ibababa ko na 'tong telepono."
/Wait laaaang
"Oh?"
/Samahan mo ko please,please please.
"Saan nanaman?"
/MCdo
"Manlibre ka?"
/Oo naman yes
"Tama ba narinig ko. IKAW,. manlibre? What a miracle. 'Wag mo nga ako lokohin Janice."
/Ay! Grabe siya oh. Sasama ka ba ko sasama?
"Wala na bang ibang sagot?" -biro ko.
/Sama ka na kasiiiiiiii.
"Oo na. Once in a bluemoon lang naman 'to mangyari kaya lubos lubusin na. Teka! What time?"
/Ngayon na.
"Agad agad?"
/Yup. Basta punta ka ah. 'Lam mo na 'yun kung saan banda. Byeee.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.