February 16...
Pasukan nanaman. Maraming mga naglalandiang couple sa labas ng school. Haiist. Tapos na ang Valentines ah. 'Di pa ba sapat 'yun.
Pumasok na ako ng diretso sa loob ng school kesa manuod ng walang kwentang kissing scene sa labas.
"Bestieee" salubong kaagad saken ni Janice sa pintuan.
"Oh?" galit kong tanong.
"Ay beastmode. BTW, here yah go" may binigay siya sakeng rose at may letter.
"Anong gagawin ko dito?"
"Kainin mo bhest" pilosopo niyang sagot.
"Eh kung paunahin kita"
"'To naman 'di mabiro. Galing daw 'yan sa secret admirer mo"
"Sino?"
"Secret nga diba"
Masasapak ko na talaga 'tong babaeng 'to.
'Di ko nalang siya pinansin at umupo sa upuan ko.
Binasa ko 'yung sulat.
Hi. Happy Valentines. :)
I hope makasayaw kita this coming Prom.♡Kanino kaya 'to galing. Ayoko na magtanong sa Janice na 'yun. Walang kwentang kausap.
Buong klase tingin lang ako ng tingin sa mga kaklase ko at hinahanap kung baka isa sa kanila ang nagbigay nito.
May sulat sulat pa kasing nalalaman eh. Pwede naman diretsong sabihin saken. Effort much.
Kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin si Kiro. Posible kayang siya ang nagbigay non.
Nilapitan ko siya. Wala namang teacher eh.
"Uy Kiro.."nginitian niya ako mong nakalapit na ako sa kaniya. Sh*t. That smile. "..ikaw ba ang nagbigay ng rose at letter?"
Kriiiing!
"Oh! Recess na. Gotta go Kaira. See you later." he winked at me at dire-diretsong lumabas ng room.
Haiist. Epal na bell na 'yun.
♡♥♡
Bukas na ang prom. Actually, hindi ako excited. Si Janice kasi pinipilit ako kaya napilitan nalang din akong sumama. -_- Buti pa nga siya may prom date, eh ako WALA.
Niready ko na ang damit na susuotin ko bukas.
I'll just wear a cocktail dress para 'di ako mahirapan maglakad.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.