Chapter 25

61 5 0
                                    

Uwian na at ang dami ko nanamang dalang libro. Pumunta pa kasi ako sa library kanina para humiram ng libro. Malapit na kasi 'yung exam kaya kailangan ko munang magfocus sa pag aaral. Hirap nang bumagsak.

Lumabas na ako ng school.

"Bestie!" may tumawag saken at alam ko na agad kung sino 'yun.

Nakita ko si Janice kumakaway saken. Kasama niya nanaman si Kurt at Kyle. Lagi naman eh -_-

Hindi ako lumapit sa kanila kundi sila ang lumapit saken. Asa naman sila na lalapitan ko sila. Sila dapat ang mag adjust noh.

Nag hi sila saken at nginitian ko sila ng pilit na ngiti lang.

Napansin ko namang sinisiko ni Janice si Kyle. Siguro naglalambingan lang sila kaya umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa ibang direksyon.

Maya maya lamang ay may kumuha ng mga libro ko sa kamay ko.

"Tulungan na kita Kaira" nakangiting sabi saken ni Kyle.

"Ha? Hindi na. 'Di naman halatang gentleman ka at kaya ko naman. Kaya nga may dalawang kamay ako eh." pilit kong kunin sa kanya ang mga libro ko pero ayaw niyang ibigay.

"'Di ko naman kailangan ng puri, gusto ko lang tulungan ka. Two hands are better than one" kinindatan pa talaga ako ah.

'Di nalang ako umimik. Ginusto niya 'yan eh. Edi dalhin niya.

Well, thanks to him. Atleast, 'di na ako nahihirapan∩(︶▽︶)∩

"Hoy Kurt. Dalhin mo nga 'tong bag ko. Magpaka gentleman ka naman kahit minsan para lagi kong isipin na naexist ka sa mundong 'to" tinapon ni Janice ang bag niya kay Kurt na sinalo naman nito.

Nagselos kaya si Janice kasi mas inuna pa ako ni Kyle kesa sa kanya? :/

"Chiks nito oh. Ang gaan gaan ng bag mo eh" binuksan ni Kurt ang bag ni Janice. "Tingnan mo, makeup at isang notebook lang ang dala. Estudyante ka nga ba?"

Bubuksan na sana ni Kurt ang isang kit sa bag ni Janice which is her feminine-hygiene kit pero inagaw agad iyon ni Janice kay Kurt bago pa makita ang mga nasa loob nito. Kinuha narin niya ang bag niya kay Kurt. Namumulang binalik ni Janice ang feminine-hygiene kit niya sa bag.

"Ano ba meron don at bigla bigla mo nalang inagaw saken? At bakit ka nangangamatis?" sunod sunod na tanong ni Kurt.

"It's none of you business" sabi ni Janice at sinarado ang bag niya. Nauna na din siyang naglakad. Halatang namumula parin siya. HahahaXD

Tiningnan ako ni Kurt with whats-with-her look.

Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot. Baka ako nanaman ang sunod sunod na tatanungin ng isip batang Kurt na 'yan eh.

~~~

A/N:

HAPPY 1K reads!!(๑✧◡✧๑)♪
Thank you, thank you so much guys sa pagpapatuloy na pagsusuporta sa librong ito. (T▽T) *tears of joy* Sinisipag tuloy ako mag update. Thank you din sa mga nag fflood VOTEs..ヾ(@^▽^@)ノ You guys made me happy :*

See yah on my next UD. ^_^

~Youngmailove

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon