Chapter 20

81 5 0
                                    

"Hi bestie" salubong agad saken ni Janice pagkarating ko sa school.

Nilagpasan ko lang siya at pumasok sa loob ng school.

"Ang snobber nito" habol niya saken.

Lakad lang ako ng lakad. Wala ako sa mood ngayon eh.

Biglang hinila niya ako at napaharap ako sa kanya. Wel, hindi lang sa kanya..

Kay Kyle din.

Nakatingin saken si Kyle na nakangiti. Sinimangutan ko lang siya.

"Bestie, si Kyle nga pala 'yung.."

"Lhow" 'di ko na pinatapos magsalita si Janice at naghello nalang tas umalis na.

Rude na kung rude.

I'm not interested sa mga lalaking may gf na. -_-

Speaking of Kyle, sa'n kaya siya nong prom? Andon kaya siya? Sino sino kaya ang mga nakasayaw niya? Pogi kaya siya sa suot niya?

Aiish. Erase, erase. Kakasabi lang na I'm not interested eh.

Pumasok na ako sa classroom namin.

~~~

Recess time..

Kakatapos lang namin ni Janice bumili nang pagkain namin. So, ito na nga kami sa isang table sa canteen kumakain.

"Hi girls" bati samin ni Kiro.

Nginitian ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Napansin ko namang nakangiting tinititigan ako ni Kiro.

"What?" tanong ko sa kanya.

Napatawa naman siya "Wala" sabi niya at sumubo ng pagkain niya.

"Crush mo lang ako eh." mahina kong sabi pero alam kong rinig niya 'yun.

"Crush agad, 'di ba pwedeng.." tiningnan niya ko "Mahal na" may matching kindat pa.

"Bolero" pinalo ko siya sa balikat.

"Sus. Gusto mo naman"

"Lul"

Nagkwentuhan at nagtawanan lang kami. Si Janice naman, ayon OP kaya nakinig nalang ng music sa cellphone niya.

"Hi" biglang may lumapit sa table namin na dalawang lalaki.

And, guess what kung sino -_-

It's Kyle and his friend.

'Yung kaibigan niya ang nagHi.

"Kyle! Kurt!" tinanggal ni Janice ang earphone niya at tumingin sa kanila.

"I gotta go. See you guys later." tumayo na si Kiro. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Epal 'to" pinalo ko siya sa kamay. Napatawa naman siya.

"Brad." tinapik tapik ni Kiro si Kyle sa balikat. Napangiti naman si Kyle at ayon umalis na si Kiro.

Haiist.

Kinuha ko ang phone ko at kunwari may ginagawa pero ang totoo niya gusto ko marinig ang pag uusapan nila Janice, Kurt at Kyle. Haha. :P

"Janice, may tatanong lang daw si Kyle" sabi ni Kurt.

"Ano 'yun" tanong ni Janice.

"Pwede daw bang manligaw si Kyle?"

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

H-huh? Si Kyle? Manligaw sa bestfriend ko? Diba may gf na siya? Ba't ganun parang nasaktan ako? 'Kala ko ba 'di ko na siya crush.

Tumayo ako at tumalikod para umalis.

'Di pa ako masyadong nakakalayo at naririnig ko pa silang nagtatawanan.

Ang mas masakit pa. 'Yung narinig ko ang nag iisang girl bestfriend ko na sumagot ng "Sure"

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon