Chapter 49

35 1 0
                                    

KAIRA POV:

"Tagal naman ni Janice. Gutom na ako" reklamo ni Kurt hawak hawak ang tiyan.

"Papunta na 'yun" sabi ni Janice.

"Speaking of. Ayon na siya oh" turo ko kay Janice na papasok na sa glass door entrance ng Amici Restaurant.

"Ang bilis ah" pagsusungit ni Kurt kay Janice na papalapit sa table namin.

"Edi sorry" sabi lang sa kanya ni Janice "Hi bestie. Congrats sa inyo ni Kyle" beso saken ni Janice.

"Thanks bestie" pasasalamat ko kay Janice.

Dahil kay Kyle, nagbago na ako. 'Di na ako 'yung dating Maldita. Grabe talaga 'yung love noh.

Umupo si Janice sa gitna nina Kurt at Jayson.

Umorder kami at pagdating ng order namin ay kumain na kami.

"Bestie, try mo 'tong Hawaiian pizza. It's so yummy" offer ko kay Janice ng isang slice ng Hawaiian pizza.

Tinitigan niya iyon.

"Ah. 'Wag na bestie. Ito nalang akin" sabi niya at kumuha ng pepperoni and three cheese pizza.

"Okay" sabi ko at kinagat nalang 'yung pizza na hawak ko.

"Kwento niyo naman kung paano naging kayo? Parang kailan lang nagliligawan lang ah" pag uumpisa ng topic ni Julieta.

"Oo nga. Paano mo siya sinagot, Kaira?" tanong ni Gelou.

Nginitian ko sila at nagsimula ng magkwento.


Flashback:

Pauwi na ako ngayon galing kanila lola. Nag stay kasi ako kanila lola ng 2 weeks. Gusto ko lang naman magsummer kasama mga pinsan ko.

Nasa bus stop ako ngayon at malamang naghihintay ng bus.

Ayon dumating na.

Umakyat na ko ng bus at umupo. Buti naman at medjo maluwag dito sa bus. Wala nga akong katabi eh.

Kinuha ko ang phone ko at nagbasa ng Wattpad.

Maya maya lang ay lumapit na 'yung konduktor saken para kunin ang bayad ko.

Eh? Ba't ganun. Lagi naman may nagbabayad ng pamasahe ko ah. Ba't ngayon wala. TT^TT
Ang sakit umexpect.

Inikot ko ang tingin ko sa bus kaso busy lahat ng tao sa kanilang ginagawa. Wala 'ata si mysterious guy. Binuksan ko nalang ang bag ko para hanapin 'yung wallet ko.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon