Tapos na ang Christmas break. Pasukan nanaman.
New year. New life.
Sana maraming magandang mangyari saken ngayong bagong taon na. Kahit single ako, sana masaya parin. Atleast I have time for myself na.
Pumasok na ako sa maingay at magulong classroom namin. 'Kala mo nasa kulongan eh noh.
"Bestieeeee" bungad saken ni Janice pagkapasok ng pagkapasok ko palang.
"Merry Christmas&Happy New Year" yinakap niya ako.
Sus. Sweet lang naman 'to 'pag kailangan eh.
"Oh tapos?" pagtatataray ko sa kanya.
"Gift ko?" Tumingin siya saken na nakapout.
Oh diba? Sweet lang 'yan 'pag may kailangan.
"Tunguno. 'Wag ka nga mag pout. Mukha kang daga"
"Hoy Kaira, kailan ka pa natutong magmura?"
"Ngayon lang." umupo na ako sa upuan ko.
"Whatever. Regalo ko nga! Asan na?"
"Kay Santa Claus. Nakalimutang dumaan sa bahay niyo"-me.
"Luh! Bakiiiit? May hinanda pa naman akong cookies at kape sa kanya"
"Gusto niya daw sosyal. Gusto niya ng cake kaya pumunta siya sa Jerusalem para makiparty sa birthday ni Jesus."
"Oh talaga? Dapat sinapak mo" pambabasag niya saken kaya tiningnan ko siya ng masama. "I mean dapat sinapak KO pala kasi 'di siya pumunta" pambabawi agad niya sa sinabi niya.
Binuksan ko ang bag ko at may kinuha.
"Sa'n na nga kasi 'yung r--"
"Oh ayan na." 'Di ko na pinatapos siyang magsalita at tinapon ko sa kanya 'yung regalo ko para sa kanya. 'Di kasi tatahimik 'yan 'pag 'di mo binigay eh. Parang bata.
"Ay, thank you bes. Labyoo" yinakap niya ulit ako.
"I hate you too. Chupi." pagtataboy ko sa kanya.
"Ambad. Pero ok lang Atleast ramdam ko parin na lab mo ako."
"Drama mo. Jan ka na nga"
Tumayo ako at lumabas ng classroom.CR lang ako.
Papasok na sana ako ng CR ng may lumabas sa boys CR. Magkalapit lang kasi 'yung boys ang girls CR.
Napatulala ako ng nakita ko si Chinito Guy. Si Kyle.
Nginitian niya ako at nakapamulsang naglakad palayo.
Nginitian niya ako! NGINITIAN NIYA AKO! NGINITIAN NIYA AKOOOO! XD Kyaaah.
Teka! Erase Erase. May gf na 'yan eh. :( tsk.
"When you love someone and they don't love you back, it's hard to find a way to keep yourself on track. It leaves you broken hearted and hurts so much. I guess that's why they call it a crush."
------
A/N:
Short UD muna kasi may pasok.I'll update the next chapter ASAP!^^
BTW, Thanks sa mga nag add ng story na 'to sa inyong reading list, sa mga new follower *kaway kaway* and ofcourse sa mga patuloy na nagbabasa nito at sa mga babasa nito. Haha. Thank you po. Lovelots:*
Kahit walang VOTES&COMMENTS basta may nagbabasa nito. Okay lang saken. (Haha. Drama ni AutorXD)
You guys are my inspiration.♡♡♡
-Youngmailove
Asawa ni PIKACHUXD
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.