Chapter 27

57 4 0
                                    

Sinundan ko nalang sila sa loob ng bahay. Aakyat na sana ako sa kwarto ko kaso sabi ni manang na samahan ko daw muna si Kyle sa baba.

Why me? T^T

Pumunta na si Manang sa kitchen para gumawa ng meryenda.

Umupo ako sa light blue armchair at nagbasa nalang ng Magazine habang si Kyle naman nakaupo sa daybed at nanunuod lang ng soccer.

'Di ako makafocus sa binabasa kong Magazine kasi patingin tingin ako kay Kyle. Ba't ba kasi ang pogi niya kahit nakaside view. Ang tangos pala ng ilong niya atsaka 'yung chinito niyang mata. My gad!

Sana ako nalang ang niligawan mo Kyle. Edi sana happily ever after.

Napalingon si Kyle sa direksyon ko kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Tinakip ko agad ang binabasa kong Magazine sa mukha ko at kunwari nagbabasa.

"Nandiyan ka na naman pasulyap-sulyap sakin.
Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin. Ba't di mo subukang aminin. 'Di mo alam ako'y may pagtingin din." rinig kong kanta ni Manang papasok ng sala.

Ewan ko pero parang napablush ako sa kantang 'yun.

I heard Kyle chuckled. "Nice voice po Manang"

"Ahw. Salamat iho" pinatong na niya ang meryenda namin sa isang table.

"Anak, samahan mo na 'tong bisita mo mag meryenda" tawag saken ni Manang.

Tumayo ako "Umm.. Manang. Akyat na po muna ako sa kwarto ko. Busog pa naman po ako eh" pagsisinungaling ko. Nahihiya kasi ako kay Kyle. Ewan ko ba kung bakit. Parang naiilang ako na ewan.

"Nakakahiya naman sa bisita mo. Sige na anak. Magpahinga lang muna ako sa kwarto ko."

Kung 'di ko lang talaga love si Manang. Haay.

Napakagat labi nalang ako at pumayag.

Lumapit na ako don at tiningnan ang meryendang ginawa ni Manang. Fries, brownies at strawberry shake.

Iniwan kami ni Manang at nagpahinga sa kwarto niya.

♡♥♡

Tapos na kami mag meryenda at lumabas narin ng kwarto si Manang.

"Manang, salamat po sa masarap na meryenda. Uwi na po ako" pagpapaalam ni Kyle.

"Ayaw mo ba magdinner dito?" -Manang.

"Hindi na po Manang. Siguro nexttime nalang po 'pag pumunta ulit ako dito"

"Sige iho. Ingat ka ah"

"Sige po Manang." nakangiting sabi ni Kyle at binuksan na ang pinto. "Kaira.." lumingon muna si Kyle saken bago lumabas. "See you at school"

"Ah..Umm..sige" -me.

Nginitian niya ako one last time at tuluyan ng umalis.

"Anak, I can see your future with him" kilig na kilig na sabi ni Manang pagkasarado ng pinto.

"Manang, okay ka lang? Kailan ka pa naging pekeng manghuhula?"

"Anak naman. Wala ka man lang bang gusto sa kanya. Pogi naman siya, mukha namang mabait, magalang. Ano pa ba ang hanap mo?"

Napabuntong hininga ako.

"Kahit naman may gusto ako sa kanya, hanggang sa panaginip ko lang pwedeng maging kami"

"Bakit naman anak?"

"He likes my bestfriend, not me"

"Oh. I'm sorry anak." malungkot na sabi ni Manang. "Pero malay mo.."

"Ayoko ng mag expect manang. Masakit" nginitian ko siya ng pilit na ngiti at umakyat na sa kwarto ko.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon