Chapter 28

51 4 0
                                    

"Okay class, last quarter na at meron akong proyekto na ipapagawa sa inyong lahat" Nakinig lang kami habang ipinagpatuloy ni ma'am namin sa Filipino ang kanyang sasabihin. "At ang proyekto niyo ay 'yung gagawa ng bidyo"

Tuwang tuwa naman ang lahat dahil sa sinabing iyon ni ma'am.

"Kahit anong video ang gagawin niyo. Pwedeng horror, comedy or romance. BAWAL ang may bastos na scene. Your group will only contain with a maximum of 10 and minimum of 6. Kayo kayo narin ang pwedeng pumili ng grupo niyo"

Masayang nag ingay ang lahat.

"Wait. Meron pa akong isang good news" tumahimik ang lahat at nakinig ulit kay ma'am. "Since pareho kayo ng project ng section 2, pwede kayong magsama sa iisang video dahil kilala ko naman kayong lahat dahil sa kakulitan niyo ba namang 'yan" Napatawa ang lahat sa sinabing iyon ni ma'am. "Sinabi ko narin 'to sa Section 2. Kaya if you knew someone don, pwede kayong magsama sama. Mamaya niyo nalang 'yan pagplanuhan 'pag recess na o uwian kung sino ang kagrupo niyo. Remember, maximum of 10 at minimum of 6 lang. Dapat may maipasa kayo at the end of this month, that means next next week na. Short video lang naman eh. Mga 5-10 minutes okay na. Dapat mapanuod ko 'yun sa deadline. Don't disappoint me. Remembrance narin 'yun para saken. So ayon lang. Class dismiss" umalis na si ma'am sa classroom namin at lahat naman ay nag ingay uli.

"Uy bestie" yugyog saken ni Janice.

"Oh?"

"Partner natin sila Kyle ah"

"Huh?" 'Di ko masyadong gets ang sinasabi niya.

"Para sa project. Section 2 kaya silang dalawa ni Kurt"

"Oh? Share mo lang?" pambabasag ko sa kanya.

"Bestie naman kasi eh. Sige na" nakapout niyang sabi.

"Kailan ka pa naging interesado sa paggawa ng project?"

"Grabe siya oh. Sige na kasi"

Hindi pa ko nakasagot ng lumapit samin si Kiro.

"Hey Kaira" nakangiting bati niya saken.

"Oh hey Kiro"

"About sa project, pwede ba ako sumali sa grupo niyo kung meron na"

"Aya--" magsasalita sana si Janice pero tinakpan ko 'yung bunganga niya.

"Umm sure" mabilis kong sagot.

"That's great. Sino sino ba ang kagrupo natin?" Tanong niya.

"Sina Janice, Kyle, Kurt, ikaw at ako"

"Lima lang?"

"May iba pa namang friends si Kyle sa section nila eh. Maybe magjjoin din sila saten" singit ni Janice.

"Great. Balitaan niyo nalang ako kung kailan tayo magstart ah." Kiro winked at us tsaka umalis na.

---

A/N

Feel free to VOTE&COMMENT ;)
Next chapter will be Janice POV.。^‿^。

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon