Chapter 4

138 7 0
                                    

Christmas Party namin ngayon pero 'di ako pumunta. Una, dahil hindi naman aattend ang bestfriend ko na si Janice.Pangalawa, I don't want to see Kiro nor the girl na gusto niyang ipakilala sakin. Pangatlo, ayoko na lumapit sakin si Jason at hihingi nanaman ng patawad at gustong makipag balikan. Ano siya, sinuswerte. Che. 'Di na ako tanga noh.

I'm not bitter, I'm just telling the truth.

Pero, sad to say na hindi ko makikita si Chinito guy for almost 2 weeks. :(

Dito lang ako sa kwarto ko ngayon. Fb lang ang tema. Lagi na akong online sa Fb. Nagiging may pagka famous na nga ako eh. 3k+ na 'yung mga likers ko at mga commentors. Parang artista lang ang peg 'dibaXD

Dami nanaman akong kachat ngayong araw. Haay! Ganito na talaga ang buhay single? Daming manliligaw ko. Share Ko lang. :P

Sa dinami dami kong kachat, naisnob ko na 'yung iba. 'Yung mga gwapo at masaya kausap lang ang inuuna ko saka na 'yung iba. Sorry naman kung bad ako.

Naka ilang oras na ako sa harap ng phone ko. Siguro lampas 4 hours na. Palowbat narin phone ko.

Nagpost ako ng out muna ako para 'di ko na sabihin sa kanila isa isa. Magpakahirap lang ako kaya ipost ko nalang.

Mag out na sana ako ng 'yung 99 sa messages ko biglang naging 100.

Nacurious ako kaya tiningnan ko kung sino. Baka gwapo eh.

Jason Dela Cruz
•Active now

°Hai Kaira.

Tss-,- 'Di rin 'ata siya umattend ng Christmas Party.

°Problem?

°Ikaw:(

°Ano nanaman -_-

°FRiends na tayo 'diba?

Oo pumayag ako makipag kaibigan sa kanya. 'Di naman kasi ako ganun ka bitter.

°Ano naman?

°Can we be more than friends?

°Geh..

°Talaga?:D

Tuwang tuwa siya oh. ME: /ngiti ng nakakaloko.

°√Oo naman. BESTFRIEND Lang naman pala eh. :)

Caps lock Best friend. Bestfriend zone ka ngayon ex. Wahaha.

Sineen niya 'yun. Mga ilang minutes bago siya nagreply.

°Kaira naman eh:(

°'Wag ka ng umasa ng mas higit pa jan. Pasalamat ka nga kasi nakipagkaibigan pa ako sa isang MANLOLOKO. :)

°Pero Kaira, mahal na mahal kita at pangako 'di ko na 'yun uulitin.

°oh talaga? Ako din eh. Mahal ko din ang sarili ko at pangako hindi na ako maging TANGA at magmahal ng isang MANLOLOKONG katulad MO.! :)

Orayt! Nag out na ko. 2% nalang 'yung battery ng phone ko eh. Sayang lang 'yung oras ko sa kadramahan ng lalaking 'yun. I'm not bitter, I'm sweet (hindi na sa kanya kasi hindi niya deserve) and I'm just telling the truth. ;)

Nag empake ako ng gamit ko kasi don ako mag papasko sa bahay ng lola at pinsan ko. 'Di ko na sasabihin kung saan. Isang sakayan lang 'yun and then mag tricycle o mag lakad ('pag sinipag) sa loob ng village nila.

"Broken hearts hurt but they will make you strong"

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon