"Asan ka nanaman galing. Di mo ba alam kung anong or---" napatigil sa kakadakdak ang bruha kong kapatid nong pumasok si Jayson sa pintuan.
Ngiting ngiti ang bruha.
"Bunso, sino 'yang kasama mo?" ngiting ngiti niyang tanong habang nakatingin kay Jayson.
Tss. Plastik.
"Someone SPECIAL" diniinan ko ang pagkasabi ng special.
"I'm Jayson" pagpapakilala ni Jayson at iniabot ang kamay niya, pero kinuha ko agad ang kamay ni Jayson at hinila palabas.
"Uuy. Jelly" asar saken ni Jayson nong nasa labas na kami ng bahay.
"Anong jelly, umuwi ka na"
"'Di mo man lang ba pakainin o painumin ang bisita mo?" pout niya. Asdfghjkl.
"Janice!!" biglang may tumawag ng pangalan ko.
Wait wait. Parang familiar 'yung boses na 'yun ah.
Dahan dahan kong nilingon ang tumawag saken at "O My Gosh!! Zian?!!'
O my gosh!! Is this real?!!
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. 'Di ako makapaniwala na andito na siya.
"I miss you baby"
"I miss you more" niyakap ko siya ng mahigpit. Miss na miss ko siya sobra.
Biglang may narinig akong tumikhim. Oh right. Andito pa pala si Jayson. Tinanggal ko ang pagkayakap kay Zian at lumingon kay Jayson.
"Andito ka pa? Umuwi ka na." taboy ko kay Jayson.
I wanna spend time with Zian. <3
"Okay" parang may halong lungkot sa boses niya pero 'di ko na 'yun pinansin at kinaladkad ko na papasok ng bahay si Zian.
"Grabe ka naman sa boyfriend mo" sabi ni Zian saken.
"'Di ko 'yun boyfriend"
"Wew"
"Anong wew. Alam mo namang ikaw lang ang love ko eh" pinisil ko ang pisngi niya. Ang cute cute niya. Hihi.
"Sus. Nawala lang ako ng ilang taon, pinagpalit mo na ako"
"Ang drama mo" binatukan ko nga siya.
"Aray naman baby. Grabe ah. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo"
"Ikaw kashi ih. 'Lam mo namang loyal ako sa'yo"
"Oo nga pala, royal este loyal ka pala"
"Ang bad mo" binatukan ko ulit siya.
"Ugh! Kung maglandian kayo, pwede ba don kayo sa labas. Ang ingay nyo" napalingon kami sa kapatid ko na halatang nainis dahil sa pag istorbo 'ata sa pagtulog niya.
Napatayo naman 'tong katabi ko.
"Hi, Zian nga pala" pagpapakilala ni Zian sa ate ko at inabot ang kamay nya para makipagshake hands. I rolled my eyes at Zian. Ang landut!!Tinaasan naman ng kilay ni ate si Zian. Pero ito namang si Zian, ngiting ngiti parin habang hinihintay niyang iabot ni ate ang kamay niya.
"Nakakangalay naman 'to"narinig kong mahinang sabi ni Zian. Napatawa nalang ako ng mahina.
Tumalikod lang si ate at 'di pinansin si Zian.
Awtsu. SaklapXD
Tinuro ko ang mukha ni Zian at tawang tawa. Nakasimangot naman siya saken. HahahaXD
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.