Chapter 38

67 5 3
                                    

"I'm bored" bored na sabi ni Julieta nang nasa Girl's room na kami.

Dito kasi sa bahay, may Girl's room at meron ding Boy's room. Ngayon nga lang ulit ginamit kasi ngayon lang ulit nagkaruon ng bisita sa bahay.

Dito kami matutulog nina Janice, Julieta at Gelou sa Girl's room. Gusto ko nga sana na don nalang ako sa room ko mag isa matulog eh, kaso unfair daw sabi ni Janice. Kaya dito na muna ako matulog.

Magkasama naman sa Boy's room sina Kiro, Kurt, Jayson, Jaydee, Jaydon at Kyle.

"Ano ba gusto niyong gawin?" tanong ni Janice na busy sa paglalagay ng cream sa mukha niya.

"Anything. Basta mawala lang 'tong pagkabored ko" sagot ni Julieta na ang ulo ay sa sahig at ang katawan naman ay sa bed. Mababa lang naman ang higaan, kaya I'm sure she's not going to break her bones while doing that.

"Hmm..." nag isip si Janice na ngayon ay nagsusuklay na ng buhok. "Prank calls natin ang mga boys" tuwang tuwa niyang sabi.

"Game!!" masayang sabi ni Gelou na kakasarado lang ng binabasa niyang libro.

"Let's go!" tinapon ni Janice ang hairbrush niya at pumunta sa bed. Sinundan naman siya ni Gelou at Julieta.

Bahala sila. Maglaro nalang ako ng color switch kesa jan sa gagawin nila.

"Kaninong phone pwedeng gamitin?" tanong ni Janice sa malakas na tono. "I can't use mine kasi alam ng mga boys ang number ko"

"Not mine either. Nakacharge phone ko" turo ni Julieta sa cellphone niyang nakacharge.

"Probably not mine coz my mom might call later" sabi ni Gelou.

Biglang tumahimik at pag angat ko ng ulo ko ay nakatingin silang tatlo saken.

"What?" tanong ko sa kanila.

"Can we use yours?" tanong saken ni Gelou.

"Of course not. I'm using my phone right now" pagsusungit ko.

"Hindi naman importante 'yang ginagawa mo eh" -Janice.

"Fine" I shrugged.

Nag clap si Gelou at Julieta na parang bata.

"Sino una nating tawagan?" tanong ni Janice nang inabot ko sa kanya ang cellphone ko.

"Jaydee!" sagot agad ni Gelou.

Umiling iling kami.

"No,no. Not him. Manonosebleed tayo don" Janice answered.

Nag isip isip kami kung sino partripan.

"How about...Kiro. Wala siya sa kwarto nila ngayon. Nakita kong lumabas siya kanina, may bibilhin lang daw" -Julieta.

"Great idea" sagot ni Janice at tinype ang number ni Kiro.

Niloud speaker ni Janice para marinig naming lahat.

Sinagot naman agad iyon ni Kiro.

/Hello.

"Mama mo 'to. Asan ka ngayon?" panloloko ni Janice.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon