Chapter 51

53 1 0
                                    

To: Jay
Hoy! Asan ka na?

Dito na ako ngayon sa meeting place namin ni Jay. Dito sa parang park siya. Ang ganda kasi may mga puno at fresh ng hangin. Ngayon kasi ang araw na magkikita kami ni Jay. Haay. Sa wakas. Kaso, asan kaya 'yun? Sabi niya andito na daw siya.

Inikot ko ang tingin ko para hanapin siya.

Haiist. Ang daming mga naglalandian sa bench. Kakamiss tuloy. Hahah.

"Yowww!!"

Teka! Parang boses 'yun ni Kurt at ng ibang boys ah.

Hinanap ko kung sa'n nanggaling ang boses.

Shems! Ba't andito silang lahat? 'Di man lang ako ininform.

Nakita kong may dala silang mga pagkain. Nilatag ni Kaira ang picnic blanket sa damo at inayos naman ng iba ang mga pagkain. Pagkatapos ay nagsi upo na sila.

Napatingin sa direksyon ko si Gelou. Mabilis naman akong tumalikod and hoping na hindi ako nakita.

Kailangan ko pang imeet si Jay.

"Teka! Parang si Janice 'yun ah" rinig kong sabi ni Gelou.

Patay! Huli na.

"Oo nga noh" pag sang ayon ni Kaira at Julieta.

"Hoy Janice" tawag saken ni Kurt.

"Janice!!" tawag ng kambal.

Parang halos lahat na sila ay tinawag ako.

No choice kaya nilingon ko nalang sila at nilapitan.

"Um hey?" I said awkwardly.

"Bestie, nareceive mo ba text message ko sa'yo?" Kaira asked.

"Huh umm hindi eh"

Wala na kasi akong ibang binabasang messages maliban kay Jay. Sorry naman.

"Eh, ba't ka andito?" nagtatakang tanong ni Kaira.

"Ayaw mo?" biro ko.

"Joke lang. Sige, upo ka na dito"

Umupo ako sa gitna ni Julieta at Kaira.

Nagsimula na kaming kumain at nagchikahan. 'Di naman ako masyadong makafocus kasi hinahanap ko si Jay kung nasaan na siya. Tingin din ako ng tingin sa cp ko kung baka sakaling magreply kaso wala talaga eh.

"Jayson, I can see that you've brought your guitar. Can you sing a song for us" request ni Kaira.

Tinignan ko si Jayson.

Parang nahihiya pa siya, pero sa huli, kinuha niya din 'yung gitara at simulang tumugtog.

Teka.. ba't parang familiar 'yung tunog.

Lumaki 'yung mata nong nagsimula siya kumanta.

Ba't ganun, pareho sila ng kanta ni Jay.

'Di kaya.....

Siya si Jay??

Umiling ako.

This can't be happening.

Tinitigan ko si Jay at ganun din siya saken habang na kanta.

"I Believe
May ibang pangarap ka.
At ka'y tagal nating di magkikita.
Kung saan ka dalhin ng puso mo, asahan mong ang pag-ibig ko'y sa'yo"~♬
"Lumipas ang araw at parang kay tagal. Sa mga bituin nakatingin. Kausap ay ikaw"~♬

Omo! Kinanta na niya 'yung tagalog.

That means, totoo ngang si Jay at JAYson ay iisa. o.O

Ba't ngayon lang ko lang 'to nalaman.

"Araw araw maghihintay.
Hawak lamang ang sinabi mong baka mahal mo rin ako.
Tama na sa'kin ang minsa'y,
binigyan mo ng pag-asa.
Basta't mahal kita.
Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I Love You"~♬

Pagkatapos niyang kumanta ay magkatitigan pa din kami.

Ako ay parang ewan. Siguro litong lito. Hindi ko alam. Paano nangyari 'to? I mean, ba't hindi ko agad nalaman na siya pala 'yun.

"Tama na ang titigan, uminom muna kayo nitong pineapple juice" sinalinan ako ni Kaira sa baso ng pineapple juice.

Tiningnan ko lang ito.

Kinuha naman ni Jayson iyon at ininom kaya pinalo siya ni Kaira.
"Ba't mo ininom? Kay Janice 'yun eh. Ito nalang sayo bestie oh" sabi ni Kaira at sinalinan ulit ako sa baso ng pineapple juice. Pero ininom ulit 'yun ni Jayson.

Tiningnan ni Kaira ng masama si Jayson.

Binuksan ni Jayson ang bag niya at kumuha ng C2 tas binigay saken.

"Umm thanks?" sabi ko.

Binuksan ko iyon at ininom baka kulitin pa ako ni Kaira sa pineapple juice. She's my best friend but she doesn't' know that pineapple can kill me I mean I'm not allowed with pineapple.

"Jan na nga kayo" tumayo si Kaira at pinuntahan ang ibang kaibigan namin na naglalaro ng badminton habang kanina ay kumakanta si Jayson. Sinundan naman siya ng boyfriend niyang si Kyle.

So, it's just me and Jayson.

Tatayo na sana ako kaso bigla niya akong hinawakan sa kamay.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon