Chapter 5

141 8 0
                                    

Nag aabang ako ng masakyan na bus nang may napansin akong parang tumitingin saken.

'Pag tingin ko sa kaliwa ko, may nakita akong lalaki na naka shades. Parang familiar siya. Mukhang si...

Dumating na ang bus na sasakyan ko. Sumakay na ako don at naghanap ng bakante.

Sinuot ko ang headset ko at mag soundtrip lang habang hinihintay 'yung conductor na kukuha ng bayad ko.

After 10 minutes..

Ayan na 'yung conductor. Binigay na niya 'yung ticket ng katabi ko pagtapos magbayad.

Lumipat si kuya sa ibang upuan para mag singil.

Hala! Ayaw na nito ako singilin. Ano 'to nilibre niya ako(purket chiks akoXD ano daw?)

"Uy Kuya! Bayad ko po oh" inabot ko sa kanya ang bayad ko pero 'di niya kinuha.

"Bayad ka na po ma'am"
Wow! Ma'am.

"Kuya hindi pa po ako nakabayad"

Ano 'to. Purket naka hanap na siya ng iba, lilipat na siya agad don at hindi na ako papansinin.

Humuhugot si ateng. Pasensya na.

"May nagbayad na po ng sa'yo"

"Huh? Sino po?"

"Boyfriend mo 'ata. 'Wag ka ng umangal. Ang wafo nya nakakaloka. Ang swerte mo girl."

Nagulat ako. Ewan ko kung saan ako magulat, sa pagka sabi nya na bf ko daw (eh wala nga akong bf) o dahil parang bakla 'tong conductor na 'to. Sayang naman kasi may itsura. First time ko palang 'ata makakita ng gay conductor.

"Ah o-okay?"

×××

After 30 minutes

"Lola!!!" Nasa bahay na ko ng lola ko. Niyakap ko kaagad siya pagkapasok na pagkapasok. I miss her so much.

"Nagulat naman ako sa'yo apo, nahulog tuloy 'yung tao"

Humiwalay ako ng pagkayakap sa kanya at tiningnan siya. Naglalaro pala siya ng Temple Run sa cellphone. Kaloka.

"Ay! Sorry po lola" niyakap ko ulit siya. Namiss ko eh.

Nagkwentuhan at nagtawanan kami ni lola ng ilang oras habang kumakain at pagkatapos non, nagpahinga muna ako sa kwarto ko. May sarili kasi akong kwarto dito sa bahay nila lola.


Wala na ang mga parents ko. They died because of a car crash,kaya ako nalang ang mag isang nakatira don sa totoong bahay namin, kasama si manang ang nag iisang katulong namin. Hindi naman kasi kami masyadong mayaman para magkaroon ng maraming katulong. Malaki na ako at kaya ko ng buhayin ang sarili ko.

Pa minsan minsan lang ako napunta kanila lola, 'pag feel ko pumunta, ayon napunta ako.

---

A/N
Short UD nalang muna kasi may exam kami eh. Peace. Bawi nalang nexttime.

Are you guyz curious kung sino si #MysteriousGuy don sa bus. Makikilala niyo din siya sa #TamangPanahonXD
-Youngmailove

Don't forget to VOTE&COMMENT (sa may gusto:3)

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon