"Pre, punta muna ako kay Janice ah. Baka kailangan niya ng tulong" sabi ni Kurt kay Kyle at umalis.
Saktong pagkaalis ni Kurt ay nag shutdown narin ang cp ko. Aiish. Bakit ngayon pa?
Nakalimutan ko nga palang icharge kanina.
Tinago ko ang phone ko sa bag ko.
O My Gosh! It's just me and Kyle. Waah! Hindi ako kumportable.
I just looked at my lap. 'Di ko kayang tumingin sa mata niya.
Panay ang kagat ko sa labi ko at 'di mapakali.
Think, think, think. Paano ba ako makaalis dito?
Tumingin tingin ako sa paligid ko at naghahanap ng paraan para maka excuse.
Ting!
Biglang nagflash ung lightbulb sa ulo ko.
Mag CR nalang ako kunwari tas babalik 'pag dito na sila Janice.
Pero paano naman si Kyle. Anong gagawin niya dito?
Ah bahala siya!
'Di ko naman na siya crush eh (I guess?)
Tumayo na ako.
"Excuse Me" -ako.
"Umm..Kaira?" -Kyle.
Magkasabay pa kami nang pagkasabi.
Nilingon ko siya. "Huh?"
"Ahh..wala wala" sabi niya at umiling iling pa.
Parang may gusto siyang sabihin.
Ahhhh!!!! 'Wag assuming Kaira!!
"Ahh.. okay" sabi ko nalang at umalis papuntang C.R.
♡♥♡
"Let's eat!" sabi ni Janice pagkadating ng foods namin.
Nagkwentuhan lang sila habang ako busy lang sa kakakain. Nagsasalita lang ako 'pag tinatanong at 'pag nasa mood ako sumagot.
Kumagat ako ng hamburger.
Napansin ko namang nakatingin si Kyle saken. I mean, lahat pala sila.
"Bestie, may mayonnaise ka malapit sa labi mo"
Nakita kong kumuha ng tissue si Kyle sa mesa at akmang pupunasan na sana ang mayonnaise na malapit sa labi ko pero hinawakan ko siya sa kamay para pigilan.
Hirap na noh. Baka magselos pa si Janice. Ayokong pag awayan namin 'yun kasi 'di naman ako mang aagaw at syempre kaibigan ko siya.
"Ako na" sabi ko kay Kyle at kumuha ng tissue sa mesa para punasan ang bibig ko.
Binaba naman ni Kyle ang kamay niya at kumain ng French fries.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.