Chapter 56

11 0 0
                                    

JANICE POV:

"Guys, asan si Jayson?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Ilang araw ko na kasing 'di nakikitang pumasok si Jayson eh.

"Ayiee" kiliti saken ni Kaira.

Kunwaring tumikhim ang mga lalaki kong kaibigan.

"Hey. Shadup. Nagtatanong lang ako kasi ilang araw ko na siyang 'di nakikita" defend ko sa sarili ko.

"Ilang araw na pala eh tas ngayon ka lang naging concern?" -Kiro.

"Kung sagutin niyo kaya ang tanong ko noh" sabi ko sa kanila.

"He's sick that's why he can't go to school" sagot ni Jaydon. Haay. Mabuti may sumagot.

"He has a ... what do you call that again? LOVEnat, right?" tanong ni Jaydee at lahat nagsitango.

"Dalawin mo kasi para gumaling na. Puro ka kasi Zian eh" -Kaira.

"What's about me?" tanong ni Zian na kakarating lang.

"Speaking of the devil" luh! ang sama nito ni Kurt.

"Tara na guys. Kain na tayo" yaya ni Gelou at isa isa na silang umalis.

Grabe talaga 'tong mga kaibigan ko. Tuwing darating nalang si Zian, umaalis sila.

"Bestie, can I talk to you for a while" tanong saken ni Kaira.

"Ah sure" sagot ko.

"I'll just wait for you here" nakangiting sabi saken ni Zian at umupo sa isa sa upuan.

Sasagot na sana ako kaso hinila na agad ako ni Kaira palayo.

"Bestie, ang manhid mo eh noh" agad agad na sabi saken ni Kaira pagkarating naming sa school garden.

"Hinila mo ko para lang jan?" I crossed my arms.

"Bakit kasi puro ka Zian?"

"Bakit ba? Namiss ko lang naman siya"

"Miss? Eh lagi mo na nga siyang kasama. BUONG araw. Pumupunta siya diba sa bahay niyo tsaka pati ba naman dito sa school. Mas marami ka na ngang oras sa kanya kesa sa aming mga kaibigan mo eh" sermon niya saken.

"Namiss ko lang naman siya dahil ilang years na kaming 'di nagkausap. Marami pa akong gustong ikwento sa kanya and he's leaving again soon. What's wrong with that?"

"What is he to you ba?"

"He's like my brother, okay? I love him so much"

"Walang kang feelings sa kanya?"

"What the F! Syempre wala. Kadiri ah"

"Maka kadiri ka naman wagas"

"Whatever" I just rolled my eyes. "Bukod kay Zian, ano pa sasabihin mo?"

"About kay Jaydon"

"I'm listening"

"Manhid ka ba talaga o--"

"Hindi ako manhid" putol ko sa sasabihin niya sana.

"Pero bak--"

"Ayoko lang kasing masaktan siya. You know me, playgirl nga ako diba" I sighed.

"Kung mahal mo, kaya mong magbago. Atsaka, akala ko ba nagbago ka na"

"Kahit na. Paano kung sasaktan lang din niya ako sa huli?'

"Ano ka ba. Move on na uy. Bagong taon na. Bagong taon, bagong lovelife"

"Stop acting like you know my pain. Stop acting like you own it. Hindi ikaw si Celine and you will never be Celine" gaya ko sa linya ni Katherine Bernardo sa movie nila ni Daniel na Barcelona.

"I will never be Celine because I am Kaira ang nag iisang diyosang mahal ni Kyle"

"Corny mo. Jan ka na nga"

--

"Zian" sabi ko pagkalapit ko kay Zian.

Tumayo siya nong nakita niya ako. "Hey wazzup"

"'Di muna ako sasabay sa'yo kumain kasi--"

"Pupunta ka kay Jayson?"

"Paano mo nalaman?"

"Narinig ko lang kanina"

Napa-ahh nalang ako.

"Mahal mo na noh?" nagulat ako sa tanong niya.

"Huh?"

Pinitik niya ako sa noo "Maang-maangan ka pa samantalang siya laging bukambibig mo. 'Di ka na nga nakikinig saken 'pag ako ang nagkukwento sa'yo eh dahil lagi siya ang hinahanap ng mata mo"

"Oh?"

Napatawa nalang siya sa naging reaksyon ko "Go na. Puntahan mo na ang prince charming mo"

"Romeo nalang pwede? Parang pambata 'yung prince charming eh"

"Ang arte mo. Go na."

Nginitian ko siya at aalis na sana kaso pinigilan niya ko sa braso ko.

"One last thing, pwede ko bang ligawan ang kapatid mo?" tanong niya.

Napangiti ako ng malapad "Kung kaya mo" dinilaan ko siya at napatawang umalis.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon