Maaga ulit kaming pumasok para pagplanuhan ulit 'yung project. Andito na lahat except si Gelou. Nasa kanya pa naman ang script.
"Nagtext saken si Gelou. Malapit na daw siya" sabi ni Julieta na nagttype sa cp niya.
"Sabihin mo bilisan niya" -Janice.
Ilang minuto rin ay dumating na si Gelou.
"Guys..here are..the...scripts" hingal na sabi ni Gelou at inabot kay Janice ang mga script.
Nagpasalamat naman si Janice.
"Halatang tumakbo ka ah" sabi ni Kiro kay Gelou.
"Oo eh.. Traffic..kasi, kaya tinakbo..ko nalang" halatang hingal parin na sabi ni Gelou.
"Here.." inabutan ni Jaydee si Gelou ng isang bote ng tubig "..you can have some of my water"
Kinantyawan nila si Jaydee dahil don. Pero hinayaan lang sila ni Jaydee.
"Guys, let's start na" binigyan kami ni Janice ng tag iisang script at ng role din namin.
'Wag na daw umangal kung ayaw naming matanggal sa grupo.
Binasa ko ang script.
It's about a guy na may gusto sa isang babae na hindi alam ng guy na may gusto din pala ito sa kanya kaso parang 'di lang halata. Nagpatulong ang guy sa girl bestfriend ng babae kung paano ligawan siya. Then one day, umamin din 'yung lalaki sa babae at..at..
"Julieta at Gelou!!!! BA'T MAY KISSING SCENE?!!" reklamo ko sa dalawang gumawa ng story.
Ako kasi 'yung main character dito sa story. Tsaka si Kyle naman 'yung main character na lalaki. Totoong pangalan din namin ang gagamitin sa video para daw 'di na malito at para dama. Ano kaya 'yun.
"Sabi kasi ni Janice eh para daw mas nakakakilig 'yung story" sagot ni Julieta. Tumango tango naman si Gelou.
Tiningnan ko ng masama si Janice but she just grinned at me at nag peace sign.
Binasa ko ulit ang script tas tumingin kay Kyle na busy sa kakamemorise ng line nya.
Malambot kaya 'yang labi niya? Masarap kaya syang humalik.
Waah! Erase erase. Hindi naman 'ata mangyari 'yun. Baka naman iccut na agad bago pa man dumampi ang labi namin sa isa't isa. Diba? Haay. Bahala na si Batman.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
Любовные романыPara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.