Chaptert 57

19 0 0
                                    

Nag doorbell ako pagkarating ko ng bahay nila Jayson. Isang mukhang parang koreana pero nakasuot ng dress na parang maid ang bumungad sa akin.

"Anneyong haseyo. Mueoseul dowa deurilkkayo?" napanganga nalang ako sa taong kaharap ko.

Maling bahay 'ata ang napasukan ko. Bahay 'ata 'to ng alien.

"Who's there Hye Eun?" may nagtanong sa loob at sumilip saken. Isa din pala sa katulong nila Jayson.

"Ms. Janice?" nagulat pa siya nong nakita ako. "Pasok ka" Pinapasok niya ako sa loob at nagpasalamat ako. Umalis na din 'yung isa nilang alien na katulong.

"Pasensiya na po don kay Hye Eun ah. Isa po kasi 'yun sa korean na katulong ng pamilyang Park."

Tumango tango nalang ako

"Anyway, salamat naman po at andito kayo ngayon. Si Jayson po kasi, ilang araw na po kasi siyang 'di pumapasok at 'di na din masyado nalabas ng kwarto niya. Dinadalhan na nga lang siya ng pagkain sa kwarto niya po eh. Pero may time na unti lang ang nabawas sa pagkain niya. Sobrang worried nga po ng mommy niya sa kaniya eh. 'Di niya po alam kung anong nangyayari sa kaniya" O my gosh! Kasalanan ko ang lahat ng 'to. "May time po 'pag dumadaan ako sa kwarto niya, nagpapatugtog po siya ng gitara niya. Nong sumilip nga po ako sa room niya, nakita kong hawak hawak niya po ang picture mo eh pero ang lungkot po ng mukha niya. Ano po bang nangyari?"

"Hindi ko rin alam eh. Pwede ko ba siyang puntahan sa kwarto niya?" paalam ko.

"Sige po. I'm sure hinihintay ka no'n"

Pagkaakyat ko ay rinig ko ang boses niya. Kumakanta. Nagstay muna ako sa pintuan niya para pakinggan ang boses niya.

JAYSON'S POV:

"Paki sabi na lang na mahal ko siya 'di na baleng may mahal siyang iba. Paki sabing 'wag siyang mag-alala 'di ako umaasa. Alam kong ito'y Malabo. 'Di--"

"Anong malabo?" napatigil ako sa pag kanta ko dahil sa narinig kong boses. Posible bang siya ang narinig ko? Tumingin ako sa babaeng nakatayo at nakangiti sa pintuan ng kwarto ko.

'Di ako makapagsalita.

Lumapit siya saken at kinuha sa pagkahawak ko 'yung gitara ko. Sinimulan niyang patugtugin ito. Wow. Just wow. Marunong pala siya.

"Gusto kita. Sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga. Pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa. Parang alipin mo ang isip at damdamin ko" pinapakinggan ko lang siya kumanta. She's looking at me and I'm looking at her while she was singing.

"Kahit sabihin na mali ako, alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo. Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan, 'di ko na ililihim pa ang damdamin ko sa'yo. Sa akin ay gusto kita" Ang ganda ng boses niya.

Maya maya din ay natapos na ang kanta. Nilapag niya higaan ko ang gitara at tumingin sa aking nakangiti.

"Wala ka man lang bang reaksyon o masabi sa kanta ko?" pout niya.

Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang mukha ko at pinilit na pangitiin.

"Ngumiti ka naman please Mr. Cold guy. Diba tuwang tuwa ka 'pag inaasar ako. Go. Asarin mo lang ako. Basta ngumiti ka na please." pinipilit niya pa din akong pangitiin.

Pinitik ko siya sa ulo. "Silly girl"

"Aray" napahawak siya sa noo niya.

"That doesn't even hurt" sabi ko sa kanya pero hawak hawak niya pa din ang noo at 'di nakatingin sa akin.

"Kiss mo kasi para mawala 'yung sakit. Hihi." rinig kong sabi niya tapos ngiting ngiti.

Tinitigan ko lang siya habang hawak hawak pa din ang noo.

JANICE POV:

I'm waiting. Mwehehehe.

Ramdam ko ang papalapit na mukha niya sa noo ko. Ngumiti ako ng nakaloloko at iniangat ang ulo ko then pulled his collar to kiss him fully on the lips. Alam kong nagulat siya pero I don't care. Enebe. Nakaka attract kashi 'yung kissable lips niya eh. Hihihi.

Hiniwalay ko na ang labi ko sa labi niya. Ahww. He's blushing. Ang cute cute niya talaga.

"Tayo na okay?" sabi ko at ngumiti ng malapad.

Nagulat kayo noh kasi ako pa talaga nagsabi nito. Hahah. Wala eh. Mahal ko eh.

"Isn't it suppose to be me who's going to say that?"

"Ihhh. Ang tagal mo kasi. Kaya inunahan nalang kita" pout ko.

Napangiti siya. Ihhhhh. NGUMITI SIYA! NGUMITI SIYA!!

Pinisil niya 'yung pisnge ko then....then..HE KISSED ME!!!! Emegesh! Ang landi ko na.

Waaahhh!! Ang lucky ko talaga sa araw na 'to. Thank you Lord. Ang bait bait mo talaga. I Love Youuuu.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon