"Hoy Kyle, hatid mo 'yan 'yung bestfriend ko hanggang sa bahay nila ah. 'Pag may nangyaring masama jan, lagot ka saken" sabi ni Janice kay Kyle. Magkaiba na kasi kami ng daanan. Pareho na ngayon ng daanan si Janice and Kurt habang kami naman ni Kyle ang magkapareho ang daan.
"Yes boss" sabi ni Kyle.
"Good. Tara na nga panget" sabi ni Janice kay Kurt at binatukan niya ito sabay takbo.
"Janiiiiiceee" inis na sigaw ni Kurt at hinabol niya ito.
Kami naman na ni Kyle ang natira kaya naglakad na din kami pauwi.
Ba't ganun, parang ang haba ng nilalakbay namin. Ilang oras na 'ata kaming naglalakad samantalang 'pag ako lang naman mag isa umuwi ay mabilis lang ang oras.
♡♥♡
"Thanks for helping and taking me home" pasasalamat ko kay Kyle nong nasa harap na kami ng bahay namin.
"No problem" nakangiting sagot ni Kyle.
Nginitian ko nalang din siya.
"Umm..sa'n ka ba nakatira?" tanong ko sa kanya.
"We've just passed it"
"What!? Akala ko malayo layo pa 'yung bahay niyo. Sorry"
"Nah. It's Okay. Sabi naman ni Janice na ihatid kita eh."
Oh yeah. Si Janice naman pala nagsabi kaya malamang susundin 'yun ni Kyle. -_-
"Ahh. K. Sige pasok na ko" kinuha ko na sa kanya ang mga libro ko at tinalikuran na siya.
Isang hakbang ko palang nang nakita kong lumabas ng pintuan si Manang.
"Anak, 'dito ka na pala" nakangiting sabi ni Manang saken at tumingin sa likuran ko. Kay Kyle.
"And I can see na may bisita ka ah" ngiting ngiti na sabi ni Manang. "Kayo na ba?" tanong niya samin.
Nagulat naman ako sa tanong ni Manang.
"What?! No!" -me.
"Not yet" -Kyle.
Magkasabay pa kami ni Kyle sumagot.
WHAT!? NOT YET?! What kind of answer is that?
"Not yet? So, nanliligaw ka palang pala iho?" tanong ni Manang kay Kyle.
"Manang!" I tried to stop Manang. This is so embarrassing.
"Umm.." parang nag iisip pa 'tong si Kyle.
"Don't mind her Kyle. Just go home na. Your parents might be looking for you."
"Iho, gusto mo ba munang pumasok sa loob para mag meryenda?" Inignore lang ako ni Manang. Haiist. -,-
"His going home na Manang, right Kyle?" -me.
Tiningnan ko si Kyle ng just-say-yes look.
"Sure Manang. My parents will be going home late in the evening so no worries" inignore na din ako ni Kyle.
"B-but..." may sasabihin pa sana ako pero wala na, pumasok na sila sa loob.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.