Chapter 52

43 1 0
                                    

"Just sit" sabi niya kaya naupo nalang ako pero di ako nakatingin sa mata niya.

"I'm sorry" mahina niyang sabi. Sakto lang para marinig ko.

Hindi ako makasalita.

Ano bang sasabihin ko?

Diretso siyang nakatingin sa mata ko.

Magagalit ba ako dahil tinago niya saken na siya si Jay o matuwa kasi nasa harapan ko na ang taong matagal ko ng gusto kahit sa text lang?

Waaah! Ang gulo.

"Guys, let's go na. Parang uulan eh" sabi ni Kaira saming lahat.

Uulan?

Tiningnan ko ang kalangitan.

"Um sige guys. Una na ako ah" I told them.

I better go.

"Teka bestie! Hindi ka ba sasabay samin? Pupunta pa kami kila Kiro." sabi ni Kaira saken.

"Hindi na bestie. Sige bye" I grabbed my bag at mabilis na naglakad palayo.

Sana makarating na agad ako sa bahay.

Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng ulan kaya binilisan ko ang pagtakbo.

Nang biglang may tumawag saken kaya napatigil ako.

"Janice!" tawag niya. Alam ko kung kaninong boses 'yun.

Nakita kong bumaba ng kotse si Jayson at lumapit saken.

"Sabay ka na saken sa kotse" sabi niya saken.

"Hindi na Jayson" tanggi ko at nagsimula na ulit maglakad.

Hinawakan niya ako sa braso at sakto namang kumulog kaya mabilis akong napayakap sa kanya.

"Let's go" mahina niyang sabi at inalalayan ako papasok sa loob ng kotse.

Sumunod nalang ako kasi malapit na gumabi at naulan pa tas kulog. Huhu.


JAYSON POV:

Pumasok kami sa kotse at pinaandar na ito ni manong.

Katabi ko siya sa upuan ng kotse kasi 'di niya parin ako binibitawan sa pagkayakap.

Narinig ko ang pagkahikbi niya at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Kinuha ko ang headphone ko sa bag at nilagay iyon sa tenga niya para hindi niya marinig ang kulog kundi ang kanta lang. Sa matagal naming pagkakilala kahit sa text lang, halos alam ko na ang lahat ng ayaw at gusto niya. Sinabi niya na din saken na may phobia siya sa kulog. 'Di ko lang alam kung bakit. Akala ko nga noon nagbibiro siya, pero sa nakita ko ngayon, naniniwala na ako.

Maya maya lang ay narinig ko ang mahinang pagkahilik niya. Natawa naman ako at masayang tinitigan ang natutulog niya mukha.

Meeting The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon