Kaira POV:
"Yiieeee" hiyawan ng mga kaklase ko pagkatapos panuorin ang video na ginawa namin. Pati teacher din namin kinilig. Waah! Huling huli talaga 'yung last part na hinalikan ako ni Kyle sa lips. Inistop pa talaga nila don sa part na 'yun para makasigurado daw kung sa labi talaga. Wala na ang first kiss ko TT^TT
"KaiYle! KaiYle! KaiYle!" sigaw ng mga classmates ko nong umalis na ang teacher namin sa classroom.
Kiniliti naman ako ni Janice sa tagiliran ko at tumawa.
"H-hoy! Ano ba? At ano ang sinasabi nilang KaiYle?" tanong ko kay Janice.
"Kaira plus Kyle equals KaiYle. Yieee" kiniliti ulit ako ni Janice.
"Baliw. Walang ganun. JaniYle ang meron" 'diba nga nililigawan ni Kyle si Janice. -_-
"JaniYle?"
"Oo. Janice plus Kyle equals JaniYle"
Tiningnan ako ni Janice ng parang nakakadiring tingin.
"Baliw ka. Anong pinagsasabi mo?""'Diba nga nililigawan ka ni Kyle"
"Huh? Sino nagsabi? Kailan?" nagtatakang tanong ni Janice.
"'Yung sa canteen, lumapit sa'yo si Kurt at Kyle tas tinanong ni Kurt kung pwedeng manligaw si Kyle" I shrugged.
Pilit na inalala muna 'yun ni Janice at nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa.
Luh! Problema nito?
"Baliw ka talaga bestie" tawa parin niya "Hindi nanliligaw si Kyle saken kundi s---"
"Janice!" tawag ni Julieta kay Janice.
Tumayo naman si Janice at lumapit kay Julieta.
Ano kaya 'yung last na sasabihin ni Janice? So, hindi pala nanliligaw si Kyle sa kanya kundi kay...kanino ba?
"Kaira" banggit sa pangalan ko ni Gelou at umupo sa tabi ko.
"How is it?" bulong saken ni Gelou."Huh?" 'Di ko na gets 'yung sinasabi niya.
"'Yung kiss?"
I blushed and she giggled.
"Waah! 'Wag mo na iparemind saken" tinakpan ko ang namumula kong mukha.
BINABASA MO ANG
Meeting The Right One
RomancePara sa mga niloko, nainlove sa bestfriend, na (best) Friendzone sa mga bitter (LOL), sa mga single, sa mga pinaasa, sa mga naghahanap kay The One (at sa nakahanap na), para sa'yo. Please read my not-so-perfect story.