Chapter 1

10.1K 100 4
                                    

***

Chapter 1 "Bra at Thong"

Angel's POV

Makapal na make-up.

Sleeveless na litaw ang cleavage at pusod.

Maiksing shorts.

Sapatos na mataas ang takong.

Nasaan ako ngayon?
Dito lang naman sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Nasa tapat ng entrance at nag-aabang ng mga customers.

"Good evening sir!" Bati ko sa mga mamang papasok sa aming bar.

"Good evening din sexy!" Sabi nila habang titig na titig sa akin.

Ganyan talaga, Malusaw man nila ako sa kanilang mga titig ay wala akong magagawa. Kaya nga nagsuot ako ng damit na halos litaw na ang kaluluwa para maka-akit eh. Akala niyo masaya? Akala niyo madali lang? Madaling kumita, Oo. Pero anong magagawa ko kung ganito ang napasukan kong trabaho? Tulog sa umaga, gising sa gabi.
Well, ito ang industriya na aking kinabibilangan.

At sa mga nagsasabing isa akong masamang babae, eh di wow! Masama na kung masama. Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ko ang aking sarili.

"Kristine!" Tumakbo papalapit sa akin si Ruth.

Kristine? Oo, ako si Kristine sa gabi at kapag wala na sa trabaho ay ako na si Angel, ang aking tunay na pangalan.

Hinihingal hingal si Ruth na nagtago sa loob ng aming bar na pinagtatrabahuhan. Sinundan ko siya.

"Anong nangyari sa iyo?" Tanong ko.

"Tinataguan ko yung lalakeng may type sa akin sa kanto." Sabi niya habang hinihingal pa rin.

"Ang chaka kase. My god!" Dugtong niya.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?! Hindi kayo binabayaran dito para magchismisan lang! Balik sa trabaho!" Lumapit sa amin si Jona na aming katrabaho.

"Aba, Sino ka para utusan kami?" Nakapamewang na sabi ni Ruth.

"Ruth, tara na. Hayaan mo na yan." Bulong ko kay Ruth saka ko siya hinatak palayo kay Jona.

"Palibhasa maganda tayo sa kanya kaya ang sungit niya sa atin!"
Nandito na kami ulit sa tapat ng bar at nag-aabang ng customer.

"Ikaw talaga! Hindi ka na nasanay." Sabi ko habang natatawa.

"Hoy! Pinapatawag na kayo ni mama Liza!" Dumating muli si Jona at agad din tumalikod.

Si mama Liza ang aming Mama-san. Pinapatawag niya kami at parang alam ko na kung bakit.

"Isuot niyo ito." Bungad sa amin ni mama Liza pagdating sa dressing room.
Kinuha ko ang inabot ni mama Liza na kulay gold na bra at thong.

"Pagkatapos niyo diyan ay magpunta na kayo sa VIP room." Dugtong ni mama Liza saka na lumabas ng dressing room.

Mabilis lahat kaming nagpalit ng suot at sabay sabay na nagpunta sa VIP room.

Pagpasok sa VIP room ay may siyam na mga lalake na nakaupo. Tumayo kaming lahat sa maliit na stage at pumili naman agad ang unang lalaki sa amin. Tuloy tuloy pa rin ang nangyayari hanggang sa napili na si ruth. Labing dalawa kami kanina dito pero ngayon ay lima na lang kami at dalawa na lang ang lalaki na pipili.
Kinakabahan ako dahil baka hindi ako mapili. Kailangan na kailangan ko kasi ng pera dahil magpapasukan na at nag-iipon ako para sa pang kolehiyo ko.

Sa wakas ay napili na ako. Bumaba na ako ng stage para lapitan ang lalakeng pumili sa akin.

"Siya din ang gusto kong ilabas." Sabi ng isang lalake na huling pipili.

"Ako na ang nauna." Sagot ng lalakeng pumili sa akin.

"Pag-usapan po natin yan ng maayos." Ani mama Liza.

"Kung sino po ang magbabayad ng malaki ay siya ang maglalabas kay Kristine." Dugtong niya.

"Handa akong magbayad ng limang libo."

"Magbabayad ako ng sampung libo."

Nanlaki ang mga mata ko ng nagsalita ang huling lalake. Magbabayad siya ng sampung libo para lang mailabas ako? Ganoon ba ako ka-hot? Kung ako sa kanya ay pumili na lamang siya ng iba dahil wala naman kwenta sa akin kung malaki ang ibayad niya dahil mapupunta lamang iyon sa bar na pinagtatrabahuhan ko at ang mapupunta sa akin, dalawang libo lang. Oo, yun lang. Sa bawat gabing may naglalabas sa akin ay dalawang libo lang ang bayad sa akin ng bar.

"Fifteen thousand!" Sabi ng isa.

"Twenty five thousand!" Ani ulit ng pang huling lalake at sa huli ay siya ang nakapag labas sa akin.

Nagtungo kaming dalawa sa hotel. Hindi siya umiimik kahit na kaming dalawa lang ang nasa loob ng kanyang kotse.
Pagdating sa loob ng room ay doon pa lamang siya nagsalita.

"Hintayin mo ang boss ko. Parating na siya."

Nagkunot ako ng noo.
"Hindi ikaw ang makakasama ko dito?"

"Hindi miss. Ang boss ko ang makakasama mo dito. Parating na siya." Saka na siya lumabas ng kwarto.

Hindi na ako nakaimik. Nagshower ako agad pagkalabas niya. Dahan dahan akong nagbasa ng katawan dahil baka mabasa ang makapal kong make-up. Tulala ako habang nagsasabon ng mabagal. Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa rin ako tuwing nakikipagsiping sa isang lalake na hindi ko kakilala.

"Duggg!!!!!!"

Napatalon ako sa gulat ng marinig kong sumara ng malakas ang pintuan ng room.
Siya na siguro yon kaya lumabas ako agad ng bathroom at tanging towel lang ang suot ko na nakapalupot sa aking katawan.

Nakatalikod siya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Sir???"
Humarap siya sa akin pero hindi siya sumagot. Kinuha niya ang isa pang towel na nakapatong sa bed at dumiretso sa bathroom.

Nalaglag ang aking panga ng humarap siya sa akin pagkatawag ko sa kanya. Hindi siya isang tipikal na lalake na kagaya sa mga nakasama ko na sa hotel. Halos naglalabas sa akin ay nasa edad kuwarenta pataas na pero ibang iba ang kasama ko ngayon dahil sa tantya ko ay nasa twenty plus pa lamang siya.

Paglabas niya sa bathroom ay marahan akong tumingin sa kanya at nang magtama ang aming mga tingin ay mabilis niya akong sinunggaban.. Niyakap.. Hinalikan..

Hiniga niya ako sa kama at pumatong siya sa akin.. and the next thing I know, mag-isa na lamang akong nakahiga sa kama. Tinignan ko ang aking relo.

Umaga na pala.

***
Hello guys! Tuloy ko ba? Haha
Vote if you like it.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon