Chapter 2

7.7K 67 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang pumasok sa isip ko na gawing bagong story pero itutuloy ko na lang talaga. Pipilitin ko pong pagandahin ang kwento. Hehe
Kung may tanong po kayo, just message me.
-----

Chapter 2 "Charity Program"

"Uy friend! Good morning! Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni Ruth pag-uwi sa apartment na pareho naming inuupahan.

Nakaupo siya sa sofa habang nanunuod ng tv at nag-aalmusal.

"Heto breakfast. May mainit na tubig sa Thermos, baka gusto mong magkape?" Iniabot niya sa akin ang isang plato ng mga pandesal na may palaman na cheese.

Umupo ako sa sofa.
"Thank you friend." Sagot ko pagkatapos ay kinagat ang isang pandesal.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka natulog?" Tanong ulit niya.

Bago sumagot ay bumuntong hininga muna ako.
"Sa hotel. Nakatulog ako eh."

"Huh? You slept with the man you don't even know?!" Nakakunot noo niyang sinabi.
Ganyan kami ni Ruth. Nasisikmura namin ang makipag siping sa kung sinong lalake pero ang matulog pa sa tabi nila, No way. Hindi na namin kakayanin. Ewan ko ba.

Si Ruth ang kaibigan ko mula pagkabata. Magkasama kaming nakatira sa bahay ampunan at magkasama din kaming tumakas doon nang seventeen years old pa lang kami.
Nakilala namin si mama Liza noong nakita niya kaming pagala-gala sa kalsada. Naalala ko pa ang mga sinabi niya na tutulungan niya kami kaya naman agad kaming sumama. Ngayon pala ay tutulungan niya kaming maging isang prostitute, bayaran. Ano pa bang pwedeng itawag sa amin?
Noong una ay nagsisisi kami ni Ruth ngunit habang tumatagal ay nasasanay na lang din kami. Dahil na rin siguro sa kagustuhan naming maging malaya na hindi tulad sa bahay ampuhan na wala na rin pinagkaiba sa bilangguan.

"Ruth! Hindi no!" Pinaikot ko ang aking mga mata saka tumayo ay nagpunta sa kusina.

"Eh ano? Natulog ka doon ng mag-isa? Yaman ah! Daming pera?" Sumunod siya sa akin sa kusina.

"Daming pera ka dyan. Hindi ako ang nagbayad ng hotel noh, tsaka pag gising ko ako na lang mag-isa dun."

Tumango tango siya.
"Mabuti naman."
"Eh sino palang kasama mo kagabi?"
"Si Mr. Romero?" Tanong niya.

Umiling lamang ako habang hinahalo ang kape ko.

"Si John?" Tukoy niya doon sa amerikanong malimit magpunta sa aming bar.
Umiling lang ulit ako.

"Alam ko na, Yung koreanong hindi marunong mag-english!" Mabilis niyang sabi at natawa naman ako.

"Hindi noh."

"Eh sino ba?" Nakasimangot niyang tanong.

"Hindi ko siya kilala."

Natahimik siya na para bang nag-iisip.
"Siya ba yung lalakeng nasa bandang huli? Yun ba ang nakapili sayo?"

"Oo."

"I knew it! Kagabi ko lang nakita sa bar yun ah." Nakapamewang niyang sabi.

"So anong nangyari? Magkwento ka naman." Lumapit siya sa akin at ako naman ay lumayo at nagpunta ulit sa sofa.

"Hooooy?! Ganyanan na lang huh?" Nakasunod pa rin siya sa akin.

Ininom ko ang aking kape. Nakatingin ako sa kanya at alam kong naghihintay na siya na magsalita ako.
"Hindi naman yung lalakeng naglabas sa akin kagabi yung nakasama ko sa hotel."

"Whaaaaat?! Eh sino?!" Napalakas ang pagkasabi niya.

"Boss daw niya."
"Alam mo, nakakapagtaka nga eh. He paid twenty five thousand pesos para lang mailabas ako."

"Whaaaaaat???!!!!!" This time sobrang lakas na talaga ng boses niya.

"Twenty five thousand pesos???!!! My god Angel! For sure pinagod ka non kaya pala doon ka na nakatulog." Dugtong niya.

"Hindi eh." Saka ako sandaling natigilan.
"Walang nangyari sa amin."

Mapapasigaw na sana siya ng bigla kong tinakpan ang kanyang bibig.
"Wag kang sisigaw utang na loob. Kanina pa ako nabibingi sayo."
Tumango siya at tinanggal ko na ang mga kamay ko sa bibig niya.

"Oh my goodness. Twenty five thousand tapos hindi ka naman ginalaw? Ano yun, Charity program para sa mga prostitute? Hindi ba niya alam na yung bar lang ang pinayaman niya sa binayad niya?" Malumanay niyang sabi.

Hindi ako sumagot.
Nagkunot ng noo si Ruth habang nakatingin sa akin.
"Eh bakit ka nakatulog sa hotel kung wala naman palang nangyari sa inyo?"

Bahagya akong napangiti.
"Hindi ko rin alam eh. Naghalikan kami pero parang kakaiba. Parang may mali. Hindi ko maexplain."

"Hindi mo ba alam ang pangalan niya?"

Umiling iling lamang ako.
"Hindi siya nagsasalita eh, kaya hindi ko na lang din kinausap."

"Ano yun, mayamang pipe?" Natatawa niyang sabi.

"Hahahaha! Siguro nga." Sabi ko at nag-appear kaming dalawa.

Kinagabihan, pagpatak ng alas-sais ay nasa bar na kami.
"Oh ito ang sayo Ruth." Iniabot ni mama Liza ang dalawang libo kay Ruth na bayad sa kanya kagabi.
"Ito naman ang sayo Kristine." Ani mama Liza. Pagbilang ko sa pera ay apat na libo ito.

"Bonus yan para sa naipasok mong malaking pera sa bar kagabi." Dugtong niya.

Napangiti ako.
"Ruth ililibre kita mamaya!" Sabi ko sa kanya habang tumatalon talon pa.

"Ano ka ba friend wag na! Idagdag mo na lang yan sa ipon mo. Di ba balak mong magkolehiyo ngayong taon?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko ang plano kong mag-aral.

"Sure ka?"

"Oo naman noh."
At ngumiti kami sa isa't isa.

"Hoy ikaw! May naghahanap sayo! Gusto kang itable!" Ani Jona sa akin.

"Kung maka-hoy ka diyan! May pangalan siya okay! Kaya wag mo siyang matawag tawag na hoy!" Bulyaw ni Ruth kay Jona.

"Gusto ko kayong tawagang hoy at wala ka ng magagawa dun!"

"Ugh talaga? Sige tatawagan na lang din kitang "P" na kupas."

"Ruth!" Inawat ko siya.
Nagtawanan naman ang mga katrabaho naming kanina pa nakikinig sa kanila dito sa dressing room.

"Anong sabi mo?!" Lumapit si Jona kay Ruth para sampalin siya ngunit napigilan agad ni Ruth ang palipad na kamay ni Jona sa kanyang pisngi.

"Subukan mo lang at nang mabinyagan ka talaga sa ipapangalan ko sayo!" At tinanggal na niya ang mahigpit niyang hawak sa kamay ni Jona.

"Marinig lang kitang tawagin mo pa kaming hoy at papatulan na talaga kita!" Pasigaw na sabi ni Ruth.

"At hinding hindi mo ako mapipigilan!" Dugtong pa niya.

Napatikom lang ng bibig si Jona.

"Tara na nga friend!" Nagsalita siya ulit at hinila ako palabas ng dressing room. Naiwan si Jona na nakatayo lamang at walang imik.

***

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon