Chapter 8

4.8K 53 0
                                    

***
Chapter 8 "Ang Sarap"

Nagising ako nang maramdaman kong parang may nakapatong sa akin na mabigat. Inalis ko ng dahan-dahan ang nakayakap na braso sa akin ng lalakeng katabi ko saka ako umupo sa gilid ng kama.

Nakita ko ang isang alarm clock sa side table at nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong four o'clock na ng umaga. Damn! Inumaga na naman ako. Kailangan ko ng umuwi at baka nag-aalala na sa akin si Ruth.

Lumingon muna ako sa lalakeng nasa aking likuran. At muli ko na namang napagmasdan ang maamo niyang mukha. Napansin kong bahagyang bukas ang kaniyang bibig at humihilik siya ng mahina. Natawa tuloy ako dahil mukha siyang inosente. Ibang iba sa seryoso niyang mukha kapag gising.

Tumayo ako saka na nag-umpisang hanapin ang aking mga damit. Dahan-dahan kong nilibot ang kwarto upang hindi magising ang lalake.

Nang makapag bihis na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Sumulyap pa ako sandali sa lalake at mahimbing pa rin naman siyang natutulog.

Bumungad sa akin ang malinis na living room ng condo. Pinagmasdan ko ito. The whole interior is simple yet elegant. Sa motif pa lamang nitong black and white ay alam na alam ko na talagang lalake ang nakatira dito.

Natigilan ako nang may mapansin akong isang punit na puting papel na nakakalat sa sahig. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.

Marco Polo Castillo & Maria Samantha Gomez
06/10/15

Napakunot ang noo ko pagkatapos kong mabasa ang mga pangalan at petsa. Binaligtad ko ang puting papel at lalong kumunot ang noo ko ng makita kong isa pala itong picture ng lalake at babae.

Nakangiti ang lalake habang nakapatong ang kaniyang kamay sa balikat ng babae. Pinagmasdan ko ng mabuti ang lalake sa larawan. This guy.. Siya ang lalakeng mahimbing na natutulog sa kwarto. At ang babaeng kasama niya.. Bakit kaya punit ang larawan sa bandang mukha ng babae? Napaisip tuloy ako.

Kahit na may konti akong nararamdamang kyuryosidad sa larawan ay pinagkibit balikat ko na lamang iyon. Naglakad na lang ulit ako palabas ng condo at iniwan ang larawan na nakapatong sa isang sofa sa living room.

Paglabas ng building ay sumakay agad ako ng taxi. Nakatitig lang ako sa malayo habang napapaisip pa rin sa nakita kong larawan kanina.

Marco Polo Castillo

Iyon ang pangalan niya? At yung Maria Samanta Gomez, iyon din siguro yung babaeng napagkamalan niyang ako.

Napakamot ako sa ulo. Ugh! Why do I care? Tsk. Sinandal ko na lamang ang ulo ko sa bintana ng taxi at ipinikit ang mga mata.

Nang makarating na ako sa aming apartment ay dumungaw muna ako sa loob. Siguradong mahimbing pa ang tulog ni Ruth at masyado pang maaga kung gigisingin ko siya para pagbuksan ako ng gate.

Habang hinahanap ang susi ng gate sa aking shoulder bag ay may naaninag akong dalawang ilaw ng kotse sa aking harapan pero hindi ko na ito pinansin ng mahanap ko na ang susi.

Pagbukas ko ng gate at nang makapasok na ako ay saka ko pa lamang napansin ang kotse na pumarada sa tapat ng aming apartment.

"Bye!" May narinig akong pamilyar na boses sa kabilang side ng kotse. Nang umandar na itong muli ay nakita ko si Ruth na nakatayo habang nakangisi at kumakaway kaway sa papalayong kotse.

Napatingin si Ruth sa akin at nakita kong kumunot ang noo niya.

Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko.

"Kakauwi mo lang?" Tanong niya.

Tumango ako.
"Ikaw? Akala ko natutulog ka na sa loob." Nakakunot na din ang noo ko. Nagulat ako dahil ngayon lang siya umuwi ng madaling araw.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon