***
Chapter 23 "Bayarang Babae"
Edward San Antonio's POV
Mabuti na lamang talaga at maayos na ang lagay ni sister Nora. Nasobrahan lang daw sa pagod kaya nawalan siya ng malay.
Kinabukasan ay maaga akong bumalik sa ospital. Sabado naman kaya walang pasok. Nadatnan ko si sister Beth na nagbabantay kay sister Nora.
"Naku, hijo. Maraming salamat talaga at nandito ka." Ngumiti sa akin si sister Beth.
"Wala po yon, sister. Hindi po kayo ibang tao sa akin."
"Pagpalain ka ng diyos, hijo." Ani naman ni sister Nora.
"Pinapakamusta po pala kayo ni Mommy at Daddy. Baka sa susunod na araw na lang daw sila bibisita ulit."
Tumango siya ng may ngiti sa labi.
At dahil makakalabas na ngayong araw si sister Nora ay ako na ang nagprisinta na mag-uwi sa kanila sa bahay ampunan.
Dalawang taon na rin ang lumipas simula ng umalis na ako sa bahay ampunan. It was really hard to adjust lalo na at mayaman ang mag-asawang naka-ampon sa akin.
They were almost fifteen years married and yet they still have no kids. Aanhin mo nga naman ang maraming pera at marangyang buhay kung wala ka naman anak?
Until they got tired of trying to get pregnant, nagpasya na lamang silang mag-ampon. Sabi ni Mrs. San Antonio - Ang legal ko ng ina ngayon, Noong una pa lamang nila akong nakita ay magaan na ang loob nila sa akin.
At dahil tumatanda na daw sila at kailangan na nila ng makakatulong sa pagpapalakad ng kanilang mga business ay naisipan nilang mag-ampon ng teenager na lalaki.
Napaka bait nga naman talaga ng diyos at hindi niya ako hinayaang maging habangbuhay na lamang na walang magulang. Not to mention na napulot lamang ako sa simbahan ng kung sino at idinala niya ako sa bahay ampunan.
Seventeen pa lamang ako noon ng ampunin nila ako. Itinuring nila akong tunay na anak at ganoon din naman ako sa kanila. Kaya nga lang ay medyo nahihirapan pa rin akong mag-adjust lalo na't sinisimulan na nila akong sanayin sa pagpapalakad ng aming mga business.
Ipinadala nila ako sa U.S. upang makapag summer class. Nagbakasyon ako doon ng dalawang buwan kasama ang pinsan kong si Madie - Pamangkin ng mom ko.
Pag-uwi ko ng Pilipinas ay hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na ito.
Sa unibersidad na isa sa mga pagmamay-ari ng mga magulang ko ay nagkita kaming muli ng kaibigan ko sa ampunan.The girl I always wanted to play with kaso lagi akong tinataboy ng masungit niyang kaibigan. Hanggang sa lumaki na kami ay magkaibigan pa rin kami at kaaway ko pa rin si Ruth.
Tahimik lamang siya noon at sobrang bihira lamang dumaldal kaya noong tumakas siya sa ampunan kasama si Ruth ay nabigla ang lahat.
Bumalik ako sa tamang katinuan nang marating na namin ang ampunan.
"Salamat ulit, hijo."
"Wala pong anuman, sister."
Hindi nagtagal ay tumulak na rin ako paalis ng ampunan. Ayaw ko pa sanang umuwi ng bahay ngunit wala naman akong alam na puntahin hanggang sa naalala kong bigla si Angge.
Napangiti ako ng maisipan kong puntahan siya. Ibabalita ko na rin sa kanila na maayos na ang lagay ni sister.
Pagdating ko sa kanilang apartment ay dumiretso na ako sa loob dahil tulad ng kahapon ay bukas naman ang gate.
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomantizmKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...